Umabot na sa 866,483 indibidual ang apektado ng sama ng panahon dulot ng southwest monsoon, ng nagdaang bagyong Butchoy at ngayo’y bagyong Carina.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, katumbas ito ng 179,744 pamilya mula sa 642 barangay sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Regions 6, 7, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.
Mula sa nabanggit na bilang ng mga apektado, 33,645 indibidual o katumbas ng 7, 738 pamilya ang nananatili ngayon sa 56 na evacuation center.
Samantala, nananatili sa 8 ang bilang ng naiulat na nasawi dahil sa masamang panahon, kung saan 7 ang kumpirmado habang 1 ang patuloy pang bina-validate.
Umaabot naman sa P29-M ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong rehiyon. | ulat ni Leo Sarne