Pag-ban ng Bulacan sa mga POGO, pinuri ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan dahil sa bagong ordinansa nitong nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Gatchalian, dapat tularan ng lahat ng mga lokal na pamahalaan ang ginawa ng Bulacan at ng ilan na ring LGU na pagbabawal sa mga POGO sa kanilang lugar.

Pinunto ng senador na dahil sa iba’t ibang krimen na kaugnay ng operasyon ng mga POGO, mas magkakaroon ng pagkakataon ang bawat komunidad na umunlad at mas magiging maganda ang peace and order situation kung wala na ang mga ito.

Bukod sa Bulacan, kabilang sa iba pang mga LGU na nag-isyu na ng mga ordinansa na nagbabawal na sa POGO ay ang mga lungsod ng Pasig at Valenzuela.

Ang ordinansa na inisyu ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ay kasunod ng pagkakatuklas ng mga kriminal na aktibidad na isinagawa sa ilalim ng pagkukunwaring POGO operations sa kalapit nitong mga lalawigan ng Tarlac at Pampanga.

Nanawagan ring muli si Gatchalian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ganap nang ipagbwala ang lahat ng POGO operations sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us