Ipinaliwanag ni Police Regional Office (PRO) 11 Regional Director PBrig. General Nicolas Torre na ang kanyang pag-alis sa pwesto ng 19 na station Commanders sa Davao City Police Office (DCPO) ay dahil sa pagtaas ng krimen sa lungsod.
Ito’y matapos madiskubre ng opisyal sa isinagawang command conference noong nakaraang linggo ang mataas na bilang ng kaso ng patayan at rape.
Base sa datos ng DCPO, mula enero hangang noong mayo, umabot sa 22 kaso ng pagpatay at 41 kaso ng rape ang naitala ng Davao police.
Ayon kay BGen. Torre, ang naturang datos ay taliwas sa reputasyon ng Davao city bilang isa sa mga itinuturing na safest City.
Lumabas sa imbestigasyon na may ilang police official na nagtatago ng dalawang blotter, kung saan isa dito ay sanitized blotter na layong itago ang tunay na sitwasyon sa kanilang lugar
Binigyan diin naman ni BGen. Torre ang kahalagagan ng tamang crime reporting and recording upang maikita ang tunay na sitwasyon ng peace and order sa lugar. | ulat ni Leo Sarne