Isusulong ni Senador Joel Villanueva na maging prayoridad ang pagpapasa ng panukalang batas para tuluyan nang ipagbawal ang mga POGO sa bansa at ipawalang bisa ang batas na nagpapataw sa kanila ng buwis.
Ayon kay Villanueva, kung mabibigyan siya ng pagkakataon na makausap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay makikiusap siyang gawing priority measure ang anti-POGO bill na kaniyang inihain (Senate Bill 2752).
Ayon kay Villanueva, bagama’t sapat naman ang direktiba ni Pangulong Marcos tungkol sa POGO ban ay dapat pa ring magkaroon ng batas para matiyak na hindi mababaligtad ang polisiyang ito sa mga susunod na administrasyon.
Tiniyak naman ni Villanueva na oras na maipasa ang kanyang bill laban sa POGO ay hindi na makakapagtago ang mga POGO sa ilalim ng ibang pangalan. | ulat ni Nimfa Asuncion