Tinatarget ng Department of Transportation na masimulan ang partial operations ng North South Commuter Railway Project o NSCR sa unang quarter ng 2028.
Ngayong araw, naginspeksyon sina DOTR Sec. Jaime Bautista, JICA Rep. Sakamoto Takema at DOTR Usec for Railways Jeremy S. Regino sa Balagtas station at Malanday Depot ng NSCR.
Ayon sa kalihim, sa ngayon ay nasa 95% nang kumpleto ang kontruksyon ng Balagtas Station na isa sa mga istasyong unang bubuksan sa partial operatibility ng NSCR.
Aniya, inaasahan nitong makumpleto ang civil works sa Malolos-Tutuban segment sa katapusan ng 2025 hanggang unang bahagi ng 2026.
Aabot naman sa 300,000 pasahero kada araw ang inaasahang makikinabang sa partial operations ng tren.
Sa ngayon, nananatiling on-track ang proyekto at patuloy ring tinutugunan ang ilang isyu rito kabilang ang right-of-way.
Tiniyak rin ni Sec. Bautista na magiging abot kaya para sa mga commuter ang pamasahe sa oras na lumarga na ang NSCR. | ulat ni Merry Ann Bastasa