Pinangunahan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pagpapasinaya ng unang Satellite Hub ng PNP sa Eastern Visayas para sa pagproseso ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR).
Ito’y kasabay ng pagdalo ni Gen. Marbil sa pag-bendisyon ng bagong Command Center ng Police Regional Office (PRO) 8 kasama si PRO8 Regional Director PBGen. Reynaldo H. Pawid sa Camp Ruperto Kangleon sa Palo, Leyte kahapon.
Ang bagong PTCFOR Secretariat Satellite Hub na kauna-unahan sa bansa, ay inaasahang magpapabilis ng pagproseso sa mga permit ng lisensyadong gun-owners sa Region 8 at kalapit na rehiyon.
Habang ang bagong PRO8 Command Center, na nagkakahalaga ng mahigit 5 milyong piso ay magsisilbing “central hub” para sa Police at Disaster response Operations sa rehiyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ng Gen. Marbil ang commitment ng PNP sa propesyonalismo at serbisyo publiko, at pinaalalahanan ang mga pulis na laging itaguyod ang integridad at kagitingan sa pangangalaga ng kaligtasan ng mga komunidad. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PNP-PIO