3 Pinoy seafarers na pinalaya mula sa MSC Aries, ligtas na nakauwi ng bansa

Nasa mabuting lagay ng makauwi sa Pilipinas ang tatlong Pinoy seafarers mula sa dating kinubkob na Portuguese-flagged container ship na MSC Aries noong April 13, 2024. Ang mga naturang seafarers ay tatlo sa apat na Pilipinong crew members na na-hostage nang makubkob ng Iranian authorities ang MSC Aries noong nakaraang abril habang ito ay dumaraan… Continue reading 3 Pinoy seafarers na pinalaya mula sa MSC Aries, ligtas na nakauwi ng bansa

GSIS, may panawagan sa mga biktima ng bagyong Carina at Habagat

Nanawagan si Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Wick Veloso sa lahat ng government agencies, local government units at mga members nito na makipag ugnayan sa kanilang mga tanggapan kung biktima ang mga ito ng Typhoon Carina at Habagat. Ayon kay Veloso – sinisimulan na kasi nilang iproseso ang mga insurance ng… Continue reading GSIS, may panawagan sa mga biktima ng bagyong Carina at Habagat

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, patunay na  nagagamit ng tama ang pondo para sa social welfare programs

Nagsisilbing patunay na tamang nagagamit ang pondo para sa mga programa ng pamahalaan ang matagumpay na implementasyon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Ayon kay Deputy Speaker David Suarez, nasaksihan nila mismo na ang pondo na kanilang inaprubahan noong nakaraang taon ay napupunta at napapakinabangan ng mga Pilipino. “Come the budget hearings, we can actually say… Continue reading Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, patunay na  nagagamit ng tama ang pondo para sa social welfare programs

COMELEC Chair Garcia, hinamon si Sagip Party-list Rep. Marcoleta na panumpaan ang kanyang alegasyon 

Haharap sa anumang pagdinig ng Kamara si Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia para sagutin ang mga paratang na umanoy mayroon siyang mga foreign bank account.  Sagot ito ni Garcia matapos maghain ng resolution si Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta para siya ay imbestigahan kaugnay ng mga foreign bank account na pinagdududahan na… Continue reading COMELEC Chair Garcia, hinamon si Sagip Party-list Rep. Marcoleta na panumpaan ang kanyang alegasyon 

Clearing operations sa mga lugar na binaha sa Marikina, nasa 80% nang tapos

Hindi tumitigil ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina City sa ginagawa nilang paglilinis sa mga Barangay na lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng nagdaang bagyong Carina at Habagat. Ayon sa Marikina LGU, nasa 80 porsyento na ang naaabot ng nagpapatuloy na clearing operations sa lungsod. Gayunman, aminado ang LGU na pahirapan ang ginagawa nilang paglilinis… Continue reading Clearing operations sa mga lugar na binaha sa Marikina, nasa 80% nang tapos

Mambabatas, itinutulak ang pagtatatag ng local job facilitation offices para sa PWDs, senior citizens

Ipinapanukala ngayon ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Yamsuan ang pagkakaroon ng local job facilitation offices upang tulungan ang mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) na makahanap ng trabaho at training opportunities. Sa kaniyang House Bill 10630, ipinunto ng mambabatas ang hamong kinakaharap ng mga senior at PWD dahil sa bias bunsod ng… Continue reading Mambabatas, itinutulak ang pagtatatag ng local job facilitation offices para sa PWDs, senior citizens

Daluyan ng tubig ulan palabas ng Manila Bay, kailangan ng Valenzuela City para maiwasan bahain

Kailangan na ng Valenzuela ng isang daluyan ng tubig na diretso sa Manila Bay. Ito ang tinuran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Don Artes sa ginawang pagtalakay ng House Committee on Metro Manila Development hinggil sa malawakang pagbaha sa Metro Manila dahil sa habagat at bagyong Carina. Nausisa kasi ni Valenzuela Representative Eric… Continue reading Daluyan ng tubig ulan palabas ng Manila Bay, kailangan ng Valenzuela City para maiwasan bahain

Mga nagtitinda ng bigas sa Agora Public Market, umaasang makarating din sa kanila ang bigas na ibinebenta sa “Rice for All”

Nais ng mga nagtitinda ng bigas sa Palengke na makibahagi rin sa “Rice for All” Program ng Pamahalaan sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA). Ayon sa mga rice retailer sa Agora Public Market sa San Juan City, mas madali para sa mga mamimili ang magtungo sa palengke lalo na kung malayo sa kanila ang… Continue reading Mga nagtitinda ng bigas sa Agora Public Market, umaasang makarating din sa kanila ang bigas na ibinebenta sa “Rice for All”

DA, inilatag na ang mga ginagawang hakbang kasunod ng oil spill incident sa Bataan

Patuloy na pinaiigting ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang para matugunan ang epekto ng oil spill incident sa sektor ng pangisdaan. Sa inilabas na bulletin ng DA DRRMS, nakasaad na mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang DA sa mga apektadong LGUs, at mga ahensya para agarang matugunan ang sitwasyon. Sa panig ng Bureau of Fisheries… Continue reading DA, inilatag na ang mga ginagawang hakbang kasunod ng oil spill incident sa Bataan

Mga ebidensyang nakuha mula sa Chinese national na hinihinalang espiya, itinuturing na security concern ng PNP

Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) kung may mga kasabwat pa ang Chinese national na si Yu Hang Liu na hinihinalang espiya na naaresto sa Makati City noong Mayo. Ito ang inihayag ng PNP makaraang ilabas na ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ang kanilang digital forensic examination sa mga nakuhang kagamitan mula sa dayuhan kung… Continue reading Mga ebidensyang nakuha mula sa Chinese national na hinihinalang espiya, itinuturing na security concern ng PNP