Target ng Pilipinas na maging upper middle-income country sa 2025, posible pa rin – NEDA

Photo courtesy of NEDA Facebook page

Inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na posibleng maabot pa rin ng Pilipinas ang estado ng pagiging upper-middle income country sa taong 2025. Ito ay sa kabila ng mga hamong pang-ekonomiya na hinarap ng bansa nitong nakaraang mga buwan. Sa kanyang ulat sa Kongreso, binigyang diin ni Secretary Balisacan ang… Continue reading Target ng Pilipinas na maging upper middle-income country sa 2025, posible pa rin – NEDA

Resolusyon para parangalan si Olympic gold medalist Carlos Yulo, inihain sa Senado

Naghain si Senate Majority Leader Francis Tolentino ng isang resolusyon na layong parangalan at batiin ng Mataas na Kapulungan si Filipino gymnast Carlos Yulo matapos nitong makakuha ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Sa Senate Resolution 1102 ni Tolentino, sinabi nitong sa ipinakita ni Yulo na husay, walang tigil na pagsisikap at determinasyon… Continue reading Resolusyon para parangalan si Olympic gold medalist Carlos Yulo, inihain sa Senado

Outstanding debt ng bansa, hindi dapat ikabahala ng publiko – DOF Sec. Recto

Photo courtesy of Department of Finance

Pinawi ni Finance Secretary Ralph Recto ang pangamba ng publiko sa total outstanding na utang ng Pilipinas. Ito ang inihayag ni Recto sa kanyang pagharap sa 2025 budget deliberation sa House of Representatives. Base sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), ang kabuoang utang ng Pilipinas as of May 2024 ay nasa P15.347 Trillion, mas… Continue reading Outstanding debt ng bansa, hindi dapat ikabahala ng publiko – DOF Sec. Recto

Panawagang suspendihin muna ang public transport modernization program, dinepensahan ng ilang mga senador

Binigyang diin ng mga senador na gusto lang nilang maisaayos ang public transport modernization program o ang dating PUV (public utility vehicle) modernization program kaya isinusulong nila itong masuspinde muna. Ito ang paglilinaw ng mga senador kaugnay ng pinirmahan nilang resolusyon na nananawagan ng suspensyon ng naturang programa. Ayon kay Senador JV Ejercito, ilang taon… Continue reading Panawagang suspendihin muna ang public transport modernization program, dinepensahan ng ilang mga senador

Mga senador, binigyang pugay si Carlos Yulo sa pagkakapanalo nito ng 2 ginto sa Paris Olympics

Binati ng mga senador si Philippine gymnast Carlos Yulo para sa pagkakasungkit nito ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Sinabi ni Senate Committee on Sports and Youth Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go na ang pagkapanalo ni Yulo ng gintong medalya ay nagbibigay ng malaking karangalan sa buong Pilipinas. Ayon kay Go, patunay ito… Continue reading Mga senador, binigyang pugay si Carlos Yulo sa pagkakapanalo nito ng 2 ginto sa Paris Olympics

Mga iniulat na nasawi sa 2 bagyo at Habagat, umakyat sa 48

Umakyat sa 48 ang iniulat na nasawi sa pinagsanib na epekto ng 2 nagdaang bagyong Butchoy at Carina at ng Habagat. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang umaga, 14 sa mga iniulat na nasawi ay kumpirmado, kung saan 5 ang mula sa Calabarzon, 4 sa Region 9, 2 sa… Continue reading Mga iniulat na nasawi sa 2 bagyo at Habagat, umakyat sa 48

Carlos Yulo, itinuturing na “once-in-a-century Filipino athlete” matapos makasungkit ng dalawang ginto sa Paris Olympics

Pinatuyan ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo ang pagiging isang once-in-a-century Filipino athlete matapos gunawa ng kasasayan sa pagkakasungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Ayon kay Speaker Martin Romualdez hindi lang karangalan, ngunit kagalakan din ang hatid ni Yulo sa bayan. Matapos makuha ang gold medal sa men’s floor ay nasundan… Continue reading Carlos Yulo, itinuturing na “once-in-a-century Filipino athlete” matapos makasungkit ng dalawang ginto sa Paris Olympics

NEA, pinaghahanda na ang mga Electric Cooperative sa paparating na panibagong sama ng panahon

Nag abiso na ang National Electrification Administration sa lahat ng Electric Cooperatives na maging handa sa paparating na Low Pressure Area at Habagat. Pinayuhan ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department ang mga ECs na magpatupad ng contingency measures bago pa makapaminsala ang sama ng panahon. Batay sa monitoring ng PAGASA, ang Low Pressure… Continue reading NEA, pinaghahanda na ang mga Electric Cooperative sa paparating na panibagong sama ng panahon

Mga sundalong atleta, pinarangalan ni Gen. Brawner

Pinarangalan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga sundalong atleta ng AFP Lady Gunnar at AFP Cavaliers Basketball Team sa Camp Aguinaldo ngayong araw. Ang AFP Lady Gunnar Team ay nagwagi sa UNTV Volleyball League Season 2; habang ang AFP Cavaliers Basketball Team ay nag-kampeon sa… Continue reading Mga sundalong atleta, pinarangalan ni Gen. Brawner

ICCMN Caravan sa mga dating kampo ng MILF, matagumpay na naisagawa

Matagumpay na nagtapos ang Inter-Cabinet Cluster Mechanism on Normalization (ICCMN) Caravan na naghatid ng mga serbisyo ng gubyerno sa mga komunidad ng dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Camp Abubakar at Camp Rajamuda noong Biyernes. Sa mensahe ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. na binasa ni Office of the Presidential… Continue reading ICCMN Caravan sa mga dating kampo ng MILF, matagumpay na naisagawa