May ari ng nahuling P3.2M unregistered luncheon meat sa Taguig, kakasuhan na

Nahaharap ngayon sa paglabag sa Republic Act 9711, o ang Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009, ang mga suspek sa pagbebenta ng unregistered food products partikular ang luncheon meat. Kinilala ang mga nasabing suspek na sina alyas Angelica, 29, business owner; alyas Kristine, 44, cashier/secretary; alyas Mhar, 33, warehouseman; at alyas Joey, 41,… Continue reading May ari ng nahuling P3.2M unregistered luncheon meat sa Taguig, kakasuhan na

IMG-Golf, nagkaroon ng pagpululong kay Tourism Sec. Frasco para sa pagpapalakas ng turismo ng golf sa Pilipinas

Nakipagpulong ang International Management Group (IMG) Golf kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco noong Miyerkules, August 7, sa DOT Central Office sa Makati City. Sa pagpupulong, ipinakita ng grupo ng IMG ang kanilang mga inisyatiba na naglalayong gamitin ang lumalagong industriya ng turismo ng golf sa bansa. Ani Sec. Frasco, welcome sa DOT… Continue reading IMG-Golf, nagkaroon ng pagpululong kay Tourism Sec. Frasco para sa pagpapalakas ng turismo ng golf sa Pilipinas

DOT, ipinagmalaki na kabilang ang turismo sa nagpapaganda sa ekonomiya ng bansa

Planong iparanas ng pamunuan ng Department of Tourism sa mga Pilipinong nasa malalayong lugar at isla ang mga oportunidad na bunga ng magandang lagay ng sektor ng turismo sa bansa. Ayon kay DOT Sec. Christina Frasco, para maipagpatuloy ang pumapambulog na tagumpay ng sektor ng turismo sa bansa ay plano nilang palakasin pa ang pag-susulong… Continue reading DOT, ipinagmalaki na kabilang ang turismo sa nagpapaganda sa ekonomiya ng bansa

Libreng shingles vaccine, ipapakalat ng Pamahalaang Lungsod ng Makati

Inanunsyo ni Makati Mayor Abby Binay na sisimulan na nila ang shingles vaccination drive na libreng isasagawa ng lokal na pamahalaan. Layon aniya nito na maprotektahan ang mga immunocompromised at senior Makatizens. Ayon kay Binay, mahalagang bahagi ang nasabing vaccine drive para sa kanilang tuloy-tuloy na hakbang na matiyak ang kaligtasan at maayos na kalusugan… Continue reading Libreng shingles vaccine, ipapakalat ng Pamahalaang Lungsod ng Makati

Electrification rate ng bansa nasa higit 90% na ayon sa DOE

Ipinagmalaki ng Department of Energy na umabot na sa 93.12% ang electrification status ng bansa. Sa pagtalakay ng P3.085-B budget ng ahensya, sinabi ni Energy Policy and Planning Bureau (EPPB) Dir. Michael Sinocruz na katumbas ito ng 26 million na kabahayan na napailawan na. Gayonman, hamon naman na masetbisyuhan ang nasa 1.1 million household na… Continue reading Electrification rate ng bansa nasa higit 90% na ayon sa DOE

One visa policy para sa buong ASEAN region, suportado ng DOT

Kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco na interesado ang Pilipinas na makibahagi sa pinaplantsang liberalisasyon ng visa policies sa mga bansang kabilang sa Association of South East Asian Nation o ASEAN. Ayon kay Frasco kabilang sa inaasahang ipatutupad sa ilalim ng visa liberalization ay ang one visa policy sa nasabing mga bansa. Sa pamamagitan aniya… Continue reading One visa policy para sa buong ASEAN region, suportado ng DOT

Korte Suprema, maglalabas ng pinasimpleng bersyon ng kanilang mga press release

Nagsimula na ang Korte Suprema na magpalabas ng pinasimpleng bersyon ng kanilang press release tungkol sa kanilang mga desisyon. Ito ang unang hakbang na ginawa ng bagong Hepe ng Communications Bureau ng Supreme Court na pinamumunuan ni Atty. Mike Navallo. Layunin nito na mas pasimplehin at mas maintindihan ng publiko ang mga desisyon at iba… Continue reading Korte Suprema, maglalabas ng pinasimpleng bersyon ng kanilang mga press release

Ilang Brgy. sa QC at Valenzuela na sineserbisyuhan ng Maynilad, makararanas ng water interruption sa Lunes

Nagabiso ngayon ang water concessionaire na Maynilad na pansamantalang maaantala ang suplay ng tubig sa ilang sineserbisyuhan nitong customers sa Quezon City at sa mallit na bahagi sa Brgy Ugong sa Valenzuela City. Kabilang sa maapektuhan ang mga ss: Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Gulod (Belen, Good Haven, Marianito, Masaya, Nenita, Quirino… Continue reading Ilang Brgy. sa QC at Valenzuela na sineserbisyuhan ng Maynilad, makararanas ng water interruption sa Lunes

MMCA ng Pilipinas at mga kaalyadong bansa, masusundan pa

Maasahan na magkakaroon pa ng mga susunod na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa West Philippine Sea sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at mga kaalyadong pwersa. Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad kasunod ng matagumpay na 2-araw na MMCA sa pagitan… Continue reading MMCA ng Pilipinas at mga kaalyadong bansa, masusundan pa

Mahalagang papel ng media sa pagtataguyod ng katotohanan, kinilala ng PNP Chief

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy nitong suporta sa mga mamamahayag sa pagtataguyod ng katotohanan. Ito ang binigyang diin ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil nang pasinayaan nito ang bagong tanggapan ng PNP Press Corps sa Kampo Crame ngayong umaga. Sa kaniyang talumpati, nagpasalamat ang PNP Chief sa mahalagang papel na ginagampanan… Continue reading Mahalagang papel ng media sa pagtataguyod ng katotohanan, kinilala ng PNP Chief