AFP, kumpiyansa sa kanilang kapabilidad na ipagtanggol ang maritime at air domain ng Pilipinas sa WPS

Nagpahayag ng kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines sa kanilang kapabilidad na ipagtanggol ang maritime at air domain ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ito ang sinabi ni Philippine Navy Spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad kasunod ng ginawang pagpapakawala ng flares ng mga eroplano ng China malapit sa eroplano ng Philippine Air Force… Continue reading AFP, kumpiyansa sa kanilang kapabilidad na ipagtanggol ang maritime at air domain ng Pilipinas sa WPS

DHSUD at PhilSA, nagkasundo para sa paggamit ng space data sa housing at urban development

Gagamit na ng Space Science and Technology Applications (SSTA) ang Department of Human Settlements and Urban Development sa pagsusulong ng Housing and Urban Development Industry sa bansa. Isang Memorandum of Agreement ang opisyal nang nilagdaan ng DHSUD at PhilSA ukol dito. Nilalayon ng MOA na palakasin ang pagsisikap ng Environmental, Land Use and Urban Planning… Continue reading DHSUD at PhilSA, nagkasundo para sa paggamit ng space data sa housing at urban development

Pagtaas sa foreign service allowance, binabalangkas na ng DFA at DBM

Kinumpirma ni DFA Asec. Domingo Nolasco na inaayos na ng ahensya katuwang ang DBM ang kautusan para taasan ang halaga ng foreign service allowance. Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang P27.4 billion na budget ng DFA para sa 2025, nausisa ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang ahensya kung may balak ba silang dagdagan… Continue reading Pagtaas sa foreign service allowance, binabalangkas na ng DFA at DBM

NCRPO, pinaghahanda ang mga tauhan nito ngayong panahon ng tag-ulan sa Metro Manila

Pinaalalahanan ng pamunuan ng NCRPO ang mga tauhan nito na paghandaan ang inaasahang mga malalakas na pag-ulan sa Kalakhang Maynila. Ayon kay PBGen. Rolly Octavio, bilang antisipasyon sa mga potensyal na low pressure area, dapat magkaroon ng inisyatiba ang kanilang mga tauhan na magtayo ng incident command post. Dagdag pa ng heneral na kailangan ding… Continue reading NCRPO, pinaghahanda ang mga tauhan nito ngayong panahon ng tag-ulan sa Metro Manila

Barkong pandigma ng China sa WPS, nag-triple sa nakalipas na linggo

Umakyat sa siyam ang bilang ng barkong pandigma ng China na na-monitor sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea mula August 6 hanggang 12. Sa datos ng Philippine Navy, isang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang namataan sa Ayungin Shoal, dalawa sa Pag-Asa Islands, isa sa Likas Island, isa sa Patag Island,… Continue reading Barkong pandigma ng China sa WPS, nag-triple sa nakalipas na linggo

DOF, tiniyak sa grupo ng mga Filipino-Chinese entrepreneurs na handa ang Marcos Jr. administration na makipagtulungan sa private sector tungo sa pag-unlad ng ekonomiya

Tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa Federation of Filipino- Chinese Chambers of Commerce and Industry  Inc  (FFCCCI) na nananating bukas ang Marcos Jr. administration sa pribadong sector sa hangaring isulong ang ekonomiya ng bansa. Ginawa ni Recto ang pahayag, kasunod ng kanyang pulong sa ilang opisyales at miyembro ng FFCCCI. Sa … Continue reading DOF, tiniyak sa grupo ng mga Filipino-Chinese entrepreneurs na handa ang Marcos Jr. administration na makipagtulungan sa private sector tungo sa pag-unlad ng ekonomiya

PNP, tiniyak ang seguridad sa pagbabalik-bansa ng mga atletang sumabak sa 2024 Paris Olympics

Naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) para tiyaking ligtas ang mga atletang sumabak sa 2024 Paris Olympics. Ito ang tinuran ni PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo kasunod ng nakatakdang pagbabalik bansa ng mga nasabing atleta. Ayon kay Fajardo, may inilatag nang security plan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para… Continue reading PNP, tiniyak ang seguridad sa pagbabalik-bansa ng mga atletang sumabak sa 2024 Paris Olympics

Presyo ng kamatis sa Balintawak Market, bagsak-presyo na

Malaki ang ibinaba sa presyo ng kamatis sa ilang pamilihan gaya sa Balintawak Market sa Quezon City. Mula kasi sa dating bentahan na umaabot ng ₱145 kada kilo, ngayon ay naglalaro na lang ito sa sa ₱30-₱45 ang kada kilo. Paliwanag ng isa sa stall owner, sobra-sobra ang suplay ngayon ng kamatis na ibinabagsak mula… Continue reading Presyo ng kamatis sa Balintawak Market, bagsak-presyo na

Makati LGU, inumpisahan na ang house-to-house na pagbibigay ng libreng shingles vaccine

Umarangkada na ang libreng bakunahan sa Lungsod ng Makati. Ito ay base na rin sa anunsyo ni Makati Mayor Abby Binay na nagsimula na ang house-to-house na pagbibigay ng libreng shingles vaccine sa kanilang mga residente. Ayon sa alkalde, layon ng nasabing hakbang na mabigyan ng proteksyon ang mga immunocompromised at senior residents nito.  Paliwanag… Continue reading Makati LGU, inumpisahan na ang house-to-house na pagbibigay ng libreng shingles vaccine

Las Piñas LGU, kinilala ang blood donors sa kanilang lungsod

Binigyang-pagkilala ng City of Las Piñas, sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar, ang World Mission Society Church of God dahil sa katangi-tangi nitong blood donation drive na ginanap noong selebrasyon ng Passover, na nakalikom ng nasa 100 blood donors. Personal na iprinisinta ni Vice Mayor Aguilar ang isang plaque of recognition sa… Continue reading Las Piñas LGU, kinilala ang blood donors sa kanilang lungsod