Dagdag na tourist rest areas sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ipinapatayo na

Karagadang 22 tourist rest areas ang inaasahang maipapatayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula ngayong taon. Sa pagsalang ng panukalang P3.394 billion 2025 budget ng Department of Tourism (DOT), ibinalita ni Tourism Sec. Christina Frasco na mula sa sampung naipatayo na, may nakalinyang 22 pa na ipapatayo ngayong taon. Apat dito ay sa apat… Continue reading Dagdag na tourist rest areas sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ipinapatayo na

‘Palakasan’ system sa recruitment ng mga pulis, matagal nang nabuwag PNP

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na matagal nang nabuwag ang “palakasan system” sa recruitment ng mga pulis. Ito’y ayon sa PNP ay matapos ang paglutang ng mga balita na may ilang bagong recruit sa PNP ang natetengga at hindi nabibigyan ng unit para pagtrabahuhan. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean… Continue reading ‘Palakasan’ system sa recruitment ng mga pulis, matagal nang nabuwag PNP

Preliminary understanding ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, target palawakin ng pamahalaan sa iba pang bahagi ng WPS

Paga-aralan ng pamahalaan na mapalawak ang coverage ng preliminary understanding ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, sa iba pang bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Pahayag ito ni National Maritime Council (NMC) Spokesperson Alexander Lopez, kasunod ng insidente sa Escoda Shoal kung saan nagtamo ng matinding pinsala ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard… Continue reading Preliminary understanding ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, target palawakin ng pamahalaan sa iba pang bahagi ng WPS

Bagong TESDA Director General Benitez, ‘compentent addition’ sa gabinete ni PBBM

Mataas ang pagtingin ni Albay Representative Joey Salceda sa kasamahang si Negros Occidental Representative Kiko Benitez na ngayon ay bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director general. Ayon kay Salceda, nawalan man ng kinatawan ang Negros sa Kamara ay hindi maitatanggi na malaki ang naiaambag ni Benitez sa gabinete ng administrasyong Marcos. Isa,… Continue reading Bagong TESDA Director General Benitez, ‘compentent addition’ sa gabinete ni PBBM

Walang patid na pagpapa-igting ng serbisyong publiko, asahan pa, ayon kay Pangulong Marcos

Makakaasa ang mga Pilipino na hindi titigil ang Marcos Administration sa pagpapatupad ng mga inisyatibo na layong pa-igtingin ang serbisyong publiko. Isang halimbawa dito, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), na isang patunay aniya na sa pagkakaisa ng lahat, mas marami ang magagawa para sa mga Pilipino.… Continue reading Walang patid na pagpapa-igting ng serbisyong publiko, asahan pa, ayon kay Pangulong Marcos

Pamahalaan, nililikom na ang mga ebidensya na layong pabulaanan ang claim ng China na ang Pilipinas ang agresibo sa Aug. 19 incident sa Escoda Shoal

Kinakalap na lamang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga dokumento, larawan, video, at iba pang detalye kaugnay sa ginawang panghaharang ng Chinese vessel sa dalawang PCG vessel sa Escoda Shoal, na nagresulta ng banggaan, kung saan nagtamo ng matinding pinsala ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, madaling araw kahapon (August 19). Ito ayon kay… Continue reading Pamahalaan, nililikom na ang mga ebidensya na layong pabulaanan ang claim ng China na ang Pilipinas ang agresibo sa Aug. 19 incident sa Escoda Shoal

Dating Mayor Alice Guo, di dumaan sa mga airport na hawak ng Bureau of Immigration

Itinanggi ng Bureau of Immigration na may kasabwat sa mga tauhan nila matapos makalabas ng Pilipinas si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, iligal ang pag-alis sa Pilipinas ni Guo at walang kinalaman ang kanyang mga tauhan. Sabi niya, may mga tauhan ang Bureau of Immigration sa lahat ng… Continue reading Dating Mayor Alice Guo, di dumaan sa mga airport na hawak ng Bureau of Immigration

Palasyo, umaapela ng kooperasayon sa publiko, kasunod ng pinakahuling aktibidad ng Bulkang Taal

Nananawagan ang Malacañang sa publiko na makinig sa payo ng mga eksperto at otoridad, kasunod ng naitalang mas mataas na presensya ng vog sa paligid ng Bulkang Taal (August 19). Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni PCO Asec. Joey Villarama na batid naman ng lahat na mayroong kahalong ash sa hanging na maaaring maging… Continue reading Palasyo, umaapela ng kooperasayon sa publiko, kasunod ng pinakahuling aktibidad ng Bulkang Taal

Demand ng dugo sa bansa, tumaas dahil sa dengue outbreak – PRC

Kinumpirma ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagtaas ng pangangailangan para sa dugo sa bansa dahil sa patuloy na paglaganap ng dengue sa ilang lugar. Sa kasalukuyan, umabot na sa 136,161 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang ngayong Agosto. Ito ay mas mataas ng 33 percwwnt kumpara sa mahigit 102,000 na… Continue reading Demand ng dugo sa bansa, tumaas dahil sa dengue outbreak – PRC

Karagdagang puwersa ng Police Regional Office 4A, naka-alerto para sa mabilis na pagresponde sa mga apektado ng vog

Pinagana na ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) ang kanilang Reactionary Standby Support Force (RSSF). Ito’y para tumulong sa mabilis na pagtugon sa mga apektado ng volcanic smog (vog) mula sa Bulkang Taal sa kanilang rehiyon. Kasunod nito, ipinag-utos ni PRO-4A Director, Police Brig. Gen. Kenneth Lucas sa mga tauhan nito na tiyaking handa ang… Continue reading Karagdagang puwersa ng Police Regional Office 4A, naka-alerto para sa mabilis na pagresponde sa mga apektado ng vog