DSWD, muling iginiit ang social pension ay para lang sa mahihirap na senior citizens

Muling nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)na para lamang sa mga mahihirap na senior citizens ang Social Pension Program. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kwalipikado sa Social Pension for Indigent Senior Citizens Program ay ang mga senior citizen na mahihina, may sakit o may kapansanan, at walang pensiyon o permanenteng… Continue reading DSWD, muling iginiit ang social pension ay para lang sa mahihirap na senior citizens

DepEd at BARMM, lumagda sa kasunduan para sa pagpapahusay ng kakayahan ng mga guro sa Mindanao

Lumagda sa kasunduan ang Department of Education (DepEd) at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang lalo pang paunlarin ang kakayahan ng mga guro sa Mindanao. Sa pangunguna nina Education Secretary Sonny Angara at Minister Mohagher M. Iqbal ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education-BARMM, isinagawa ang ceremonial signing sa DepEd Central… Continue reading DepEd at BARMM, lumagda sa kasunduan para sa pagpapahusay ng kakayahan ng mga guro sa Mindanao

QC, napapanatili ang “zero case” ng ASF

Tiniyak ng Quezon City Government na wala pang bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lungsod ng Quezon. Ito’y dahil sa preventive measures na patuloy na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan. Sa tulong ng Bureau of Animal Industry (BAI) may mga checkpoint na ring inilatag ang QC Veterinary Department sa Pearl Drive sa Commonwealth… Continue reading QC, napapanatili ang “zero case” ng ASF

Senado, itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Alice Guo

Nanindigan si Senador Sherwin Gatchalian na itutuloy ng Senado ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Guo Hua Ping, na kilala rin bilang Alice Guo, para sa perjury at para sa kanyang patuloy na pagsuway sa subpoena ng Senado. Ito ay sa kabila ng mga ulat na nakaalis na siya ng bansa. Binigyang-diin ni Gatchalian… Continue reading Senado, itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Alice Guo

Komprehensibong plano para sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa, inilunsad ng Philippine Red Cross

Inilunsad ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang komprehensibong plano upang matugunan ang lumalalang outbreak ng dengue sa bansa. Layon ng plano na masiguro ang sapat na suplay ng dugo at iba pang kritikal na pangangailangan ng mga pasyenteng may dengue. Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, mahalaga ang maagap na pagkilos. Bukod sa pagbibigay… Continue reading Komprehensibong plano para sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa, inilunsad ng Philippine Red Cross

Marikina City Mayor Marcy Teodoro, dumipensa sa reklamong inihain laban kaniya sa Office of the Ombudsman

Nagpahayag ng saloobin si Marikina City Mayor Marcy Teodoro kaugnay sa reklamong isinampa laban sa kaniya sa Office of the Ombudsman. Ayon kay Mayor Teodoro, ang reklamong ito ay tila bahagi ng isang mas malawak na plano upang siraan at guluhin ang mga alkalde na miyembro ng Mayors for Good Governance (M4GG). Iginiit niya na… Continue reading Marikina City Mayor Marcy Teodoro, dumipensa sa reklamong inihain laban kaniya sa Office of the Ombudsman

Senate inquiry tungkol sa paglabas ni Alice Guo sa Pilipinas, isasagawa sa Martes

Magkakasa ang Senado ng imbestigasyon sa Martes tungkol sa paglabas ng Pilipinas ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na may outstanding warrant of arrest mula sa Senado at may patong-patong na kaso mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ayon kay Hontiveros, bumuo si Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Senador Koko… Continue reading Senate inquiry tungkol sa paglabas ni Alice Guo sa Pilipinas, isasagawa sa Martes

Pilipinas, namintine ang “net creditor status” sa IMF Financing Operations

Inaprubahan ng Monetary Board ang muling paglahok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Financial Transactions Plans (FTP) ng International Monetary Fund (IMF) para sa August 2024 hanggang Enero 2025. Ibig sabihin lamang ito na napanatili ng bansa ang posisyon nito sa IMF na creditor ng bansa dahil sa mahusay na macroeconomics fundamentals, string external… Continue reading Pilipinas, namintine ang “net creditor status” sa IMF Financing Operations

P35 wage increase, iaayon sa RA 6727 at kakayahan ng mga negosyante – DOLE

Pagpapatupad sa 35 pesos wage increase ibinase sa criteria na nakasaad sa RA 6727 at pagbalanse sa kakayahan ng mga negosyante sa bansa ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Tiniyak ng DOLE na kanilang ipinatupad ang iba’t ibang methodology sa pagtukoy ng halaga ng regional wage increase. Ito ang sagot ng DOLE sa… Continue reading P35 wage increase, iaayon sa RA 6727 at kakayahan ng mga negosyante – DOLE

QC, inactivate ang response protocol para mapigilan ang pagkalat ng mpox sa lungsod

Pinagana na ng Quezon City Government ang sarili nitong mga protocol sa pag-iwas, pagkontrol, at pagtugon laban sa mpox o monkeypox, kasunod ng naitalang unang kaso nito sa Pilipinas ngayong taon. Taong 2022 nang mabuo ng QC LGU ang sarili nitong mekanismo sa pagtugon sa mpox. Ang mga nars, doktor at mga medical personnel kabilang ang mga health care worker… Continue reading QC, inactivate ang response protocol para mapigilan ang pagkalat ng mpox sa lungsod