Kustodiya ni Cassandra Ong, pag-uusapan pa ng NBI at ng Kamara

Wala pa ring pinal na desisyon kung kanino mapupunta ang kustodiya ni Cassandra Ong matapos itong mahuli sa Indonesia at maibalik sa Pilipinas. Si Ong ay iniuugnay kay dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at sa ni-raid na POGO hub sa Pampanga na Lucky South 99. Ayon kina Quad Committee Chairs Robert Ace Barbers at… Continue reading Kustodiya ni Cassandra Ong, pag-uusapan pa ng NBI at ng Kamara

“Blood drive” isasagawa ng Phil. Army sa Linggo

Magsasagawa ng isang “blood donation drive” ang mga major unit ng Philippine Army sa buong bansa sa Linggo, bilang bahagi ng pagdiriwang ng “National Heroes Day”. Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, 171 blood donation center ang itatatag sa iba’t Ibang unit ng Phil. Army mula sa “Brigade-level” hanggang sa mga Regional Community… Continue reading “Blood drive” isasagawa ng Phil. Army sa Linggo

ASF checkpoint sa mga highway at seaport, pinadaragdagan ng isang mambabatas

Hinikayat ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang Department of Agriculture na maglagay ng dagdag na checkpoint sa mga highway at seaports upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF). Mungkahi niya makipag tulungan ang DA sa Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Philippine Ports Authority (PPA) pati na ng MMDA para… Continue reading ASF checkpoint sa mga highway at seaport, pinadaragdagan ng isang mambabatas

Dagdag na budget para sa food and medical allowance ng mga PDLs sa ilalim ng proposed 2025 national budget, suportado ng Bicolano Solon

Suportado ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymond Yamsuan ang panukalang dagdagan ang pondo para sa pagkain at medical allowance ng mga persons deprived of liberty o PDLs. Sa ngayon, nasa 70 pesos and daily budget para sa isang araw na pagkain ng mga PDLs habang 15 pesos naman ang kanilang daily medicine allowance, bagay… Continue reading Dagdag na budget para sa food and medical allowance ng mga PDLs sa ilalim ng proposed 2025 national budget, suportado ng Bicolano Solon

PNP, naka-alerto ngayong long weekend

Nagdadag ng pwersa ang Philippine National Police (PNP) sa mga areas of convergence ngayong long weekend para sa inaasahang pagdagsa ng mga tao. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, pinaalalahan ng Directorate for Operations ang lahat ng field commanders sa pagpapaigting ng seguridad partikular sa mga bus terminal, pantalan at mga… Continue reading PNP, naka-alerto ngayong long weekend

2 opisyal ng NPA, nutralisado sa engkwentro sa Negros Occidental

Na-nutralisa ng mga tropa 94th Infantry Battalion ng Philippine Army ang dalawang opisyal ng NPA sa enkwentrong naganap sa Sitio Pisok barangay Buenavista, Himamaylan, Negros Occidental, kahapon bago magtanghali. Kinilala ang mga nasawing NPA na sina Joan Lacio Encarnacion, alyas Mark/Covid, ang Vice commanding officer ng Sentro De Grabidad Platoon at Jolina Martinez Sergio, alyas… Continue reading 2 opisyal ng NPA, nutralisado sa engkwentro sa Negros Occidental

Presumption of innocence, paiiralin pa rin ng DOJ kina Cassandra Li Ong at Sheila Guo

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na mananatiling inosente sina Sheila Guo at Cassandra Li Ong kahit pa hawak na sila ng Bureau of Immigration (BI). Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, korte lamang ang maaaring magsabi na guilty ang mga ito sa maaaring kaso na kanilang kakaharapin. Sa ngayon, tanging ang paglabag lamang… Continue reading Presumption of innocence, paiiralin pa rin ng DOJ kina Cassandra Li Ong at Sheila Guo

Lady solon, nais palawigin ang validity ng rehistro ng mga sasakyan

Inihain ni Las Piñas Representative Camille Villar ang panukala na palawigin ang validity ng original at renewed certificates of registration ng mga sasakyan. Sa kaniyang House Bill 10696 o “Extended Motor Vehicle Registration Act of 2024,”  ang rehistro ng bagong motor vehicles ay bibigyan ng 5-year validty mula sa kasalukuyang 3-years. Ang mga bagong motorsiklo… Continue reading Lady solon, nais palawigin ang validity ng rehistro ng mga sasakyan

Bilang ng mga pasahero sa PITX nagsimula nang tumaas

Unti-unti nang nararamdaman sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang dagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya. Ayon kay Kolyn Calbasa, ang corporate communication officer ng PITX, sa kanilang pinakahuling tala kaninang alas-9 ng umaga nasa 31,338 na ang bilang ng foot traffic sa nasabing land port. Ngayong araw din aniya ang inaasahan… Continue reading Bilang ng mga pasahero sa PITX nagsimula nang tumaas

Ibinubugang asupre ng Bulkang Taal, nabawasan — PHIVOLCS

Bumaba ang naitalang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras. Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, ay bumaba sa 1,186 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan mula sa naitalang 5,128 na tonelada noong August 20. Dahil dito, wala nang banta ng volcanic smog o… Continue reading Ibinubugang asupre ng Bulkang Taal, nabawasan — PHIVOLCS