Mga kawani ng AFP, PCG at sibilyan na nagproprotekta sa ating soberanya sa WPS, kinilala ni Sen. Villanueva ngayong Araw ng mga Bayani

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, nagpasalamat si Senador Joel Villanueva sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG ) at mga sibilyan na itinataya ang kanilang buhay para maprotektahan ang ating teritoryo sa West Philippine Sea. Pinahayag ni Villanueva na ang katapangan ng ating mga tropa… Continue reading Mga kawani ng AFP, PCG at sibilyan na nagproprotekta sa ating soberanya sa WPS, kinilala ni Sen. Villanueva ngayong Araw ng mga Bayani

29th warrant day operations ng SPD, naging matagumpay

Arestado ang 79 na indibidwal kabilang ang tatlong Top Most Wanted Persons, 34 Most Wanted Persons, at 42 Other Wanted Persons sa isinagawang 29th warrant day operations ng Southern police district o SPD. Ayon sa SPD, sa ilalim ng liderato ni Police Brigadier General Leon Victor Z. Rosete, ang kanilang District Director ang Warrant Day… Continue reading 29th warrant day operations ng SPD, naging matagumpay

Mass blood donations, isinagawa ng PRC

Nagsagawa ang Philippine Red Cross (PRC) ng sabay-sabay na mass blood donation drives iba’t ibang lugar sa bansa. Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heroes Day ngayong araw. Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, layon ng programang ito na lumikha ng mga makabagong paraan ng pagpapakita ng pagkamakabayan na makapagbibigay-inspirasyon sa… Continue reading Mass blood donations, isinagawa ng PRC

Pagbenta ng murang bigas, muling ititinda sa Navotas simula sa Huwebes

Muling aarangkada sa Lungsod ng Navotas ang P29 Rice Program ng Department of Agriculture (DA) simula Agosto 29 hanggang 31, 2024. Sa abiso ng Navotas City Local Government, asahan ang bentahan ng murang bigas na P29 kada kilo ay gagawin maghapon sa Barangay NBBN Covered Court. Paalala ng LGU, prayoridad na makabili ng murang bigas… Continue reading Pagbenta ng murang bigas, muling ititinda sa Navotas simula sa Huwebes

Ilang lansangan sa Cubao, QC, sinuyod ng MMDA dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabalik sa Maynila

Ilang lansangan sa Cubao, Quezon City na dinaraanan ng mga pampasaherong bus ang sinuyod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force, ngayong araw. Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabalik sa Metro Manila mula sa mga probinsya matapos ang mahabang bakasyon. Kabilang sa mga nilinis na kalsada ang Denver… Continue reading Ilang lansangan sa Cubao, QC, sinuyod ng MMDA dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabalik sa Maynila

23 OFWs mula CALABARZON, tumanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa DMW sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Nasa 23 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa CALABARZON ang nakatanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa Department of Migrant Workers (DMW). Ito ay sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Lipa City, Batangas. Pinangunahan ni DMW Assistant Secretary Venecio Legaspi ang pamamahagi ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php10,000 sa 18 OFW-beneficiaries sa ilalim… Continue reading 23 OFWs mula CALABARZON, tumanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa DMW sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

9 na Pilipino na biktima ng human trafficking sa Laos, nakauwi na sa Pilipinas – DMW

Siyam na manggagawang Pilipino na biktima ng human trafficking sa Laos ang ligtas na nakauwi na sa bansa. Ang mga nasagip na biktima ay dumating sa NAIA Terminal 3 sa Pasay kagabi sakay ng AirAsia Flight Z2 286. Sila ang unang batch sa 73 mga Pilipino na nailigtas mula sa mga scam syndicate sa Golden… Continue reading 9 na Pilipino na biktima ng human trafficking sa Laos, nakauwi na sa Pilipinas – DMW

Rule of law, dapat respetuhin sa paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy ayon kay SP Chiz Escudero

Nakiisa si Senate President Chiz Escudero sa naging pahayag ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Davao City Chapter kaugnay ng naging operasyon ng Davao pulis sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Buhangin district. Ayon kay Escudero, bilang isang abugado at officer of the court ay sang-ayon siya sa panawagan ng IBP Davao… Continue reading Rule of law, dapat respetuhin sa paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy ayon kay SP Chiz Escudero

Awtomatikong pagkukulong sa mga driver na sangkot sa aksidente, pinapanukala ni Senador JV Ejercito na maalis

Pinapanukala ni Senador JV Ejercito na maalis na ang parusang awtomatikong pagkulong sa mga drayber na nasasangkot sa aksidente. Sa ilalim ng Senate Bill 2798 o ang Defensive Driving Bill ni Ejercito, layong amyendahan ang Article 24 ng revised penal code para hindi agad makulong ang driver na masasangkot sa aksidente kung makakapagbigay sila ng… Continue reading Awtomatikong pagkukulong sa mga driver na sangkot sa aksidente, pinapanukala ni Senador JV Ejercito na maalis

Party-list solon, pinuri ang pagkakasagip ng sinasabing biktima ng human trafficking ng KOJC

Pinapurihan ngayon ni House Deputy Majority Leader at PBA Party-list Representative Margarita “Atty. Migs” Nograles ang Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 11 sa mabilis na aksyon para mailigtas ang napaulat na dalawang indibidwal na biktima ng human trafficking sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound. Naganap ang… Continue reading Party-list solon, pinuri ang pagkakasagip ng sinasabing biktima ng human trafficking ng KOJC