16 na mga OFW na inilikas mula sa Lebanon, nakauwi na sa Pilipinas – DMW

Nakauwi na sa Pilipinas ang 16 na mga Pilipino na inilikas mula sa Lebanon. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating sa NAIA Terminal 3 ang 16 na mga overaeas Filipino worker sakay ng Emirates flight EK 332 kaninang hapon. Sila ay mga boluntaryong nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan dahil sa lumalalang tensyon… Continue reading 16 na mga OFW na inilikas mula sa Lebanon, nakauwi na sa Pilipinas – DMW

PRC, nakahanda na rin sa gitna ng nararanasang mga pag-ulan na dulot ng Habagat

Sa gitna ng nararanasang mga pag-ulan na dulot ng habagat, nakahanda na Philippine Red Cross (PRC) at ang kanilang mga chapter para sa anumang sakuna o kalamidad na maaaring idulot nito. Ayon sa PRC, binabantayan na ng kanilang mga chapter 24/7 ang sitwasyon habang inihahanda na rin ang kanilang mga kagamitan para sa posibleng rescue… Continue reading PRC, nakahanda na rin sa gitna ng nararanasang mga pag-ulan na dulot ng Habagat

TV director na isa sa mga inaakusahang nang abuso sa aktor na si Sandro Muhlach, pinalaya na ng Senado

Pinalaya na ng Senado ang independent contractor ng GMA7 na si Jojo Nones, na isa sa mga inaakusahang sexual abuse ng aktor na si Sandro Muhlach. Matatandaang pina-contempt ni Senate Ppresident Pro Tempore Jinggoy Estrada si Nones dahil hindi kumbinsido ang senador sa naging sagot nito sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and… Continue reading TV director na isa sa mga inaakusahang nang abuso sa aktor na si Sandro Muhlach, pinalaya na ng Senado

Pagsisilbi ng warrant of arrest ng ICC sa pilipinas, dapat munang dumaan sa court system ng bansa – Justice Sec. Remulla

Aminado si justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi nila mapipigilan ang pagsasagawa ng International Criminal Court (ICC) ng imbestigasyon sa mga sinasabing kaso ng extrajudicial killings (EJK) sa naging implementasyon ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Sa budget hearing ng DOJ sa Senado, sinabi ni Remulla na partikular nilang hindi mapipigilan ang ICC… Continue reading Pagsisilbi ng warrant of arrest ng ICC sa pilipinas, dapat munang dumaan sa court system ng bansa – Justice Sec. Remulla

AMLC, posibleng magsampa na rin ng kaso laban sa Whirwind Corporation at Lucky South 99

Kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council o (AMLC) na maghahain na rin sila ng mga kaso laban sa mga personalidad na konektado sa Whirlwind Corporation at Lucky South 99. Sa interpelasyon ni Parañaque Rep. Gus Tambunting, inusisa nito ang AMLC kung may mga transaksyon silang napuna sa pagitan ng Whirlwind at Lucky South. Ayon kay Atty.… Continue reading AMLC, posibleng magsampa na rin ng kaso laban sa Whirwind Corporation at Lucky South 99

Toll Regulatory Board, nanawagan sa mga motorista magsakripisyo ng kaunting panahon upang makapag install ng RFID sa kanilang mga sasakyan

Nanawagan si Toll Regulatory Board Executive Director Alvin Carullo sa mga motorista na paglaanan ng kaunting oras ang paglalagay ng radio frequency identification device (RFID). Ginawa ni Carullo ang pahayag sa isinagawang budget deliberation ng 2025 proposed budget ng Department of Transportation and Railways sa harap ng House Appropriations Committee. Ayon sa opisyal, maraming installation… Continue reading Toll Regulatory Board, nanawagan sa mga motorista magsakripisyo ng kaunting panahon upang makapag install ng RFID sa kanilang mga sasakyan

DOTr: Partial operation ng MRT-7, nakatakdang simulan sa 2025

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na nakatakdang simulan ang partial operation ng Metro Rail Transit (MRT) 7 sa ikaapat na quarter ng 2025. Ayon kay Transportation Undersecretary Jeremy Regino, ang North Ave. Station hanggang Quirino Station ay magsisimula nang mag-operate sa susunod na taon. Habang ang Tala Station sa Caloocan ay magsisimula ng operasyon… Continue reading DOTr: Partial operation ng MRT-7, nakatakdang simulan sa 2025

Cassandra Ong, ipina-contempt ng Kamara sa ikalawang pagkakataon

Muling ipina-contempr ng Kamara si Cassandra Li Ong. Ito ay dahil sa pagtangging sumagot sa mga tanong ng mambabatas sa pagdinig ng QuadComm. Ito ang unang pagkakataong humarap si Ong sa imbestigasyon ng Kamara. Sa mga pagtatanong ng mga mambabatas ay paulit-ulit niyang ininvoke ang kaniyang right to remain silent. Kahit ang tanong sa kung… Continue reading Cassandra Ong, ipina-contempt ng Kamara sa ikalawang pagkakataon

DOTr, nanawagan sa Kongreso na suportahan ang kanilang panukalang budget proposal para sa 2025

Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa Kongreso na suportahan ang kanilang panukalang budget para sa taong 2025. Ito ay matapos maiulat ng ahensya ang maayos na paggamit ng kanilang budget sa unang kalahati ng 2024. Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations tungkol sa panukalang P180.894 billion budget ng ahensya, hiniling ni Transportation Secretary… Continue reading DOTr, nanawagan sa Kongreso na suportahan ang kanilang panukalang budget proposal para sa 2025

Mountain Province State Polytechnic College, isa nang ganap na unibersidad – CHED

Inaprubahan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang conversion ng Mountain Province State Polytechnic College (MPSPC)sa pagiging Mountain Province State University. Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, natugunan at nasunod ng MPSPC ang mga pamantayan ng CHED para sa conversion sa isang state university ayon sa iniaatas ng batas. Ang Republic Act… Continue reading Mountain Province State Polytechnic College, isa nang ganap na unibersidad – CHED