Karagdagang 15 gamot, exempted na rin sa VAT

Nadagdagan pa ang mga gamot sa merkado na exempted na sa value added tax o VAT. Kasunod ito ng inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 93-2024 ng Bureau of Internal Revenue kaugnay ng 15 gamot na hindi na papatawan ng VAT. Partikular ito sa mga gamot para sa sakit na cancer tulad ng may generic… Continue reading Karagdagang 15 gamot, exempted na rin sa VAT

Ilang lugar sa Luzon, posible pa ring makaranas ng moderate to heavy rainfall bukas

Asahan pa rin ang patuloy na pag-ulan na mararanasan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon hanggang bukas (August 29). Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni  OCD-NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, na base sa katatapos lamang na weather outlook meeting posible pa ring makaranas ng moderate to heavy rainfall bukas ang Pangasinan, Bataan, Zambales, Norther portion ng… Continue reading Ilang lugar sa Luzon, posible pa ring makaranas ng moderate to heavy rainfall bukas

Pagtatatag ng isang OFWs Registry, inihain sa Kamara

Inihain ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang House Bill 10821 o OFWs Registry Act. Sa ilalim ng panukala, ipapaskil sa naturang registry system ang lahat ng lehitimong job orders. Sa paraang ito, maiiwasan na mabiktima ng illegal recruitment ang mga migrant workers. Anoman trabaho na hindi nakapaskil sa naturang registry ay otomatikong ituturing bilang… Continue reading Pagtatatag ng isang OFWs Registry, inihain sa Kamara

480 LAWA at BINHI Projects sa Eastern Visayas, nakumpleto na ng DSWD

Aabot sa 480 proyekto sa ilalim ng programang LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ang nakumpleto na ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa Eastern Visayas. Binubuo ito ng 274 water harvesting facilities at 210 community gardens na nakakalat sa buong rehiyon. Mayroon… Continue reading 480 LAWA at BINHI Projects sa Eastern Visayas, nakumpleto na ng DSWD

Socio-economic profiling ng 2,000 dating MNLF members, nakumpleto ng OPAPRU

Nakumpleto ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang socio-economic profiling ng mahigit 2,000 dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF). Sa isang statement, tinukoy ito ng OPAPRU bilang isang “milestone” para sa MNLF transformation program, matapos ilunsad ng OPAPRU ang program noong Setyembre 30, 2023, sa Lamitan, Basilan.… Continue reading Socio-economic profiling ng 2,000 dating MNLF members, nakumpleto ng OPAPRU

Mga pagkain, iba pang supply, di naihatid ng PCG sa mga mangingisda at tropang sundalo matapos silang harangin ng barko ng China

Bigo ang Philippine Coast Guard na maihatid ang mga pagkain at iba pang supply para sa kanilang mga tauhan sa BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal. Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa isyu ng West Philippine Sea, 20 nautical miles palang mula sa Escoda Shoal may 6 na barko na… Continue reading Mga pagkain, iba pang supply, di naihatid ng PCG sa mga mangingisda at tropang sundalo matapos silang harangin ng barko ng China

Sen. Legarda, isinusulong na gawing regular na empleyado ng gobyerno at mabigyan ng benepisyo ang mga barangay officials

Naghain si Senador Loren Legarda ng isang panukalang batas para mabigyan ng benepisyo ang mga opisyal ng barangay. Sa ilalim ng Senate Bill 2786 o ang Regularization of Barangay Officials Bill, ang punong barangay, miyembro ng Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan (SK) chairperson, barangay secretary, at barangay treasurer ay ituturing nang regular na empleyado ng pamahalaan.… Continue reading Sen. Legarda, isinusulong na gawing regular na empleyado ng gobyerno at mabigyan ng benepisyo ang mga barangay officials

5 bagong posisyon para sa mga guro, bubuoin sa ilalim ng inaprubahang Career Progression System Bill sa Kamara

Nasa 197 na mga kongresista ang bumoto pabor sa pagpapatibay ng House Bill 10270 o ang “Career Progression System for Public School Teachers Act.” Sa ilalim ng panukala, bubuo ng isang isang career progression system para sa mga guro sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang high school upang maging malinaw ang kanilang promotion. Magkakaroon dito… Continue reading 5 bagong posisyon para sa mga guro, bubuoin sa ilalim ng inaprubahang Career Progression System Bill sa Kamara

Malabon LGU, pinaigting ang hakbang kontra MPox; 11 establisyimento, sinita

Mas naghigpit ngayon ang lokal na Pamahalaan ng Malabon sa mga establisyimento sa lungsod bilang bahagi ng hakbang kontra MPox. Sa direktiba ni Mayor Jeannie Sandoval, inatasan ang mga Sanitation Inspectors na tiyakin ang pagsunod ng mga negosyo sa mga regulasyon ng kalusugan at sanitasyon upang maiwasan ang sakit sa lungsod. Sa naunang isinagawang inspeksyon,… Continue reading Malabon LGU, pinaigting ang hakbang kontra MPox; 11 establisyimento, sinita

Pagtutulungan ng Pilipinas at Australia sa cybersecurity, isinulong

Makikipagtulungan ang Australia sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para mapalakas ang “cyber resilience” at “technology security” sa rehiyon. Ito ang tiniyak ng Australian delegation na pinangunahan ni Australian Ambassador for Cyber Affairs and Critical Technology Brendan Dowling sa kanilang pakikipagpulong kay DND Undersecretary for Capability Assessment and… Continue reading Pagtutulungan ng Pilipinas at Australia sa cybersecurity, isinulong