Naka-kolekta ang Philippine Army ng 6,215 na “blood bag” sa kanilang blood-donation drive na isinagawa sa 171 donation centers sa buong bansa kahapon bilang bahahi ng pagdiriwang ng National Heroes Day.
Ang aktibidad na pinangunahan ni Phil. Army Chief Lt. Gen. Roy Galido, ay bahagi ng “Dugo Ko, Dugo Namin Alay ng Hukbong Katihan sa Sambayanang Pilipino” sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ospital at organisasyon.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala ang bawat isang blood bag ay makakatulong sa pagligtas ng 3 buhay.
Sinabi ni Dema-ala na layon ng aktibidad na makalikom ng dugo para sa blood-reserve ng hukbo at ng bansa sa panahahon ng “emergency”.
70 porysento ng nalikom na dugo ay para sa pangangailangan ng publiko at 30 porsyento naman ang para sa mga sundalo. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by Cpl. Rodgen V. Quirante PA/OACPA