Ibinida sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang mga accomplishment ng Philippine National Police, sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Police Service sa Camp Crame kaninang umaga.
Kabilang dito ang pagkakasabat ng P36.5B halaga ng ilegal na droga mula Hulyo 1, 2022 hanggang Hulyo 31, 2024, sa makatao at “bloodless” na kampanya laban sa ilegal na droga.
Iniulat din ng PNP Chief ang pagbaba ng Crime rate mula Hulyo 2023 hanggang Hunyo 2024 partikular ang mga kaso ng carnapping, rape, robbery at cybercrime.
Ipinagmalaki ng PNP Chief ang pagtatatag ng Cyber securty operations center upang labanan ang anumang cyber threat o cyber attack.
Iniulat din ng PNP Chief ang 85/15 percent na deployment scheme ng mga pulis, kung saan ang 85 porsyento ng mga ito ay nasa active field duty habang ang 15 porsyento lamang ng mga pulis ang gumaganap ng admninistrative functions, na layong paigtingin ang police visibility at mabilis na pagresponde sa anumang emergency.