Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng Joint Special Operations Group (JSOG) sa Camp Aguinaldo ngayong araw.
Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Gen. Brawner ang mahalagang papel ng JSOG sa pagmantini ng pambansang seguridad, at paglaban sa iba’t ibang banta sa kapayapaan at stabilidad.
Pinarangalan ni Gen. Brawner ang mga natatanging miymebro ng JSOG, kasabay ng pagbati sa buong grupo sa pamumuno ni JSOG Commander BGen Eliglen Villaflor, sa kanilang dedikasyon, natatanging abilidad, at sa maraming matagumpay na misyon na naka-ambag sa kaligtasan at seguridad ng bansa.
Ang espesyal na kasanayan, kaalaman sa strategic operations at kakayahan sa rapid response ng JSOG ay mahalagang bahagi aa pagtiyak ng kahandaan ng AFP na i-nutralisa ang iba’t ibang banta. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by SSg Ambay/PAOAFP