Nakiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani kaninang umaga.
Kasunod ng Flag Raising Ceremony, sinamahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Pangulo sa “wreath laying ceremony” para magbigay ng respeto at pasasalamat sa mga nag-alay ng buhay para sa bansa.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ng Pangulo ang pamana ng mga bayaning Pilipino at ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng kanilang ipinamalas na kagitingan at pagmamahal sa bayan tungo sa pagkakaisa ng bansa.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang araw na Ito ay para alalahanin ang mga humubog sa Pilipinas upang maging malayang bansa sa kasalukuyan.
Sinabi ni Trinidad na ang pakikilahok ng AFP sa selebrasyon ng National Heroes Day ay bahagi ng kanilang pagpapahalaga sa kabayanihan at pambansang karangalan. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by PFC Carmelotes/PAOAFP