AFP, naka-alerto para protektahan ang mga Pilipinong mandaragat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalerto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng kanilang air at sea assets para magbigay ng suporta sa mga Pilipinong mandaragat, kasunod ng huling insidente ng pangha-harass ng mga barko ng China sa BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong araw ng Linggo sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, tinututukan ng Philippine Coast Guard (PCG) at BFAR, ang insidente; at committed ang Sandatahang Lakas na protektahan ang maritime interests ng bansa at tiyakin ang kaligtasan sa karagatang ng Pilipinas.

Tumangi si Padilla na magkomento kung pinaghahandaan ng militar ang posibleng gagawing “escalation” ng China, bagama’t kanyang sinabi na nirerebisa ng AFP ang kanilang “rules of engagement.”

Nagsasagawa din aniya ng “risk-based analysis” ang militar, at ang mga “commanders on the ground” ang magdedesisyon kung ano man ang mangyari.

Siniguro naman ni Padilla na patuloy na pinapalakas ng AFP ang kanilang kapabilidad at alyansa sa mga bansang may kaparehong pag-iisip.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us