Minomonitor na ng Commission on Human Rights sa Region -11 ang nagaganap na operasyon ng pulisya sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City.
Nagpa alala ang CHR sa Philippine National Police na magpatupad ng maximum tolerance at tiyakin ang kaligtasan ng lahat, lalo na ang mga bata.
Ang police operation ay isinasagawa upang magsilbi ng warrant of arrest kay Pastor Apollo Quiboloy.
Babala ng CHR sa PNP,tiyaking walang karahasan o hindi kinakailangang gumamit ng puwersa sa pag-aresto alinsunod sa batas.
Nagpaalala rin ang CHR sa magkabilang panig na tiyakin ang angkop na proseso, gaya ng ginagarantiya ng Saligang Batas, ang mananaig. | ulat ni Rey Ferrer