Nagbigay na ng inisyal na tulong ang Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa mga mangingisda sa Cavite na naapektuhan ng oil spill mula sa Bataan.
Aabot sa 1,612 mangingisda sa Noveleta ang binigyan ng family food packs na bahagi ng unang bugso ng tulong.
Isa ang munisipalidad sa Cavite ang naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na M/T Terranova Oil Tanker sa Limay Bataan kamakailan.
Ayon kay DA-BFAR OIC Director Isidro Velayo ang ipinamahaging tulong ay simula pa lamang ng comprehensive relief and recovery plan para sa apektadong mga mangingisda sa lalawigan.
Ang pinamahaging food packs ay naglalaman ng bigas, canned goods, at iba pang food items.
Ang mga karagdagang tulong, kabilang ang livelihood restoration initiatives at environmental rehabilitation efforts, ay kasalukuyang pinaplano na at ilulunsad sa mga darating na linggo.| ulat ni Rey Ferrer