Mariing kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pananambang at pagpatay kay South Upi, Maguindanao Del Sur Vice Mayor Roldan Benito at isa pa nitong kasamahan.
Inatasan na ni Abalos ang Philippine National Police (PNP) na makipagtulungan sa militar para tugisin ang mga salarin.
Biyernes ng hapon ng tambangan ang bise alkalde at kasamahan na si Weng Marcos, sa Sitio Linao, Barangay Pandan.
Nangako ang kalihim na gagawin ang lahat para makamit ang hustisya para sa mga biktima at mahubaran ng maskara ang utak sa pagpatay.
Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay at panalangin ang kalihim para sa mga pamilya nina Vice Mayor Benito at Weng Marcos.
Hiniling din nito sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad kung mayroon silang anumang impormasyon na makakatulong sa mabilis na pagresolba sa kaso.| ulat ni Rey Ferrer