DOH, nagbigay ng 16 na ambulancia sa mga bayan sa 1st District ng Ilocos Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinamahagi ng Department of Health (DOH) ang 16 na ambulancia sa 11 bayan, 1 lungsod, at 4 na barangay sa unang distrito ng Ilocos Norte.

Pinangunahan ni DOH Regional Director Paula Paz Sydiongco at Ilocos Norte Vice Governor Cecilia Araneta-Marcos ang pamamahagi ng mga nasabing ambulancia.

Ang mga ibinigay na ambulancia ay hiniling ni Representative Sandro Marcos sa DOH sa tulong ni dating Senador at ngayon ay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.

Ang mga nabigyan ay ang mga bayan ng Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, Vintar, Sarrat, Piddig, Carassi, Barangay Barbaqueso Carassi, Barangay Pobpacion Burgos, Barangay Dan Lorenzo, Bangui, at Barangay Poblacion Adams. | ulat ni Ronald Valdriz | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us