Nagsagawa ng bilateral integration exercise ang Pilipinas at Amerika na nilahukan ng mga fighter aircraft at airlift assets nito.
Ayon sa Phlippine Air Force (PAF), tinawag itong “Iron Blade” joint exercise na inilunsad sa Pampanga at Cebu.
Layon nitong pagtibayin ang ugnayan ng dalawang bansa gayundin ang kanilang pangako na panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Gamit ng Pilipinas ang dalawang FA-50PH fighter aircraft habang gamit naman ng US Air Force ang FA-22s nito at isang US Air Force C-130 Hercules transport aircraft.
Nagsagawa ang mga ito ng formation flights sa Basa Air Base sa Pampanga at B/Gen. Benito Ebuen Air Base sa Mactan Cebu.
Maliban dito, may hiwalay ding aktibidad ang isinagawa sa dalawang lugar gaya ng Subject Matter Expert Exchanges patungkol sa flight operations and maintenance at cargo-related exchanges. | ulat ni Jaymark Dagala