Kabalikat sa Pagtuturo Act, handa nang ipatupad ayon kay Sen. Bong Revilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Senate Committee on Civil Service Chairperson, Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na garantisado nang matatanggap ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ang P10,000 teaching allowance kasunod ng pagkakapirma ng implementing rules and regulations (IRR) ng Kabalikat sa Pagtuturo Act (RA 11997).

Ayon kay Revilla na pangunahing may-akda at sponsor ng naturang batas, ang pag-apruba sa IRR ay pagtatapos ng mahabang proseso na pinagdaanan nito.

Hudyat aniya ito na handa nang ipatupad ang batas.

Giniit ng senador na ang batas na ito ay layong bigyang suporta at kilalanin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga guro para sa sektor ng edukasyon.

Pinasalamatan din ni Revilla si Education Secretary Sonny Angara sa agarang pag-apruba nito sa nasabing IRR.

Sa pamamagitan ng naturang batas, simula sa susunod na taon ay makakatanggap na ang mga guro ng P10,000 na teaching allowance para ipambili ng mga kagamitan para sa aktwal na pagtuturo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us