Koalisyon ng administrasyon, nagpahayag ng suporta sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsama-sama ang mga lider ng pinakamalalaking political party sa bansa upang ihayag ang suporta sa Philippine National Police (PNP) sa pagtupad ng kanilang mandato.

Sa joint statement ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, na binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP)—binigyang-diin na walang sinoman ang nakakataas sa batas.

Hinikayat rin ng Alyansa ang mga Pilipino na manatiling kalmado at magtiwala sa umiiral na ligal na proseso.

Ito’y sa gitna pa rin ng paghahanap ng pulisya kay Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa kasong child abuse at human trafficking.

“The Alyansa Para sa Bagong Pilipinas is resolute in its belief that no one is above the law. We call upon all Filipinos to remain vigilant but calm, trusting in the processes that safeguard our democracy,” saad sa kalatas.

Ipinaalala rin ng Alyansa na ang katatagan ng bansa ay nakasalalay sa pagsunod sa batas at pagsiguro na makakamit ang hustisya.

Mahalaga rin anila ang pagtukoy sa national unity, pagpapanatili ng kaayusan, at paggalang sa karapatan ng bawat indibidwal.

“Let us move forward together, upholding the principles of justice, peace, and order, for the betterment of our country. Together, let us continue to strive for a just and orderly society, where the rights of every individual are protected and respected,” sabi pa nila.

Kabilang sa mga lumagda sa joint statement sina PFP Executive Vice President Secretary Anton Lagdameo, Lakas-CMD President at House Speaker Martin Romualdez, NUP Chair Ronaldo Puno, NPC Chair Vicente Sotto III, at NP National Director Yevgeny Vincent Emano. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us