Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na umabot sa 1,311 ang mga miymebro at supporter ng New People’s Army (NPA) ang na-nutralisa mula Enero 1 hanggang Agosto 1 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, sa bilang na ito, 1,121 ang sumuko, 97 ang nahuli, at 93 ang nasawi sa pakikipaglaban sa mga tropa.
Dagdag pa ni Padilla, 728 baril at 225 anti-personnel mines ng mga teroristang komunista ang narekober o isinuko at 157 kampo ang nakubkob.
Sa loob din ng naturang panahon, sinabi ni Padilla na na-nutralisa naman ng AFP ang 176 na “local terrorist group members” kung saan 124 ang sumuko, 6 ang nahuli at 46 ang nasawi.
Dito’y narekober naman ng AFP ang 166 baril at 21 anti-personnel mines, at nakubkob ang 10 kampo, sa mga military operation. | ulat ni Leo Sarne