Iprinisinta sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil kasama si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang 553 milyong pisong halaga ng bagong kagamitan ng PNP.
Kasabay ito ng pagbisita ng Pangulo sa Camp Crame ngayong umaga para pangunahan ang pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Police Service.
Kabilang sa mga bagong kagamitan ng PNP ay 20 units ng Personnel carrier 4×4, 299 units ng Light motorcycle, 193 units ng Light Transport Vehicle , 75 units ng Patrol Jeep at 155 units ng 5.56 mm light machine gun.
Ang mga bagong gamit ay inaasahang makapagpapalakas ng kakayahan ng mga pulis na pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamayan, alinsunod sa tema ng anibersayo na “Sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, Ligtas ka.” | ulat ni Leo Sarne