Sabayang isinagawa ng Manila Water Foundation, Boracay Water at Laguna Water ang tree planting activity sa mga pangunahing Watershed sa Metro Manila, Cavite at Aklan sa Visayas.
Ginawa ang tree planting sa ilalim ng PASIBOL Program na pangunahing layunin ay tiyakin ang seguridad sa tubig at pangangalaga sa kapaligiran.
Sa Metro Manila, isinagawa ang tree planting at weeding activity sa La mesa Ecopark sa Quezon City, habang sa 20 ektaryang watershed sa Sitio Mananga ,Barangay Nabaoy, Malay Aklan naman isinagawa ang pagtatanim ng puno.
Samantala, ang Laguna Water ay nakipagsanib-puwersa sa iba’t ibang organisasyon at stakeholder para sa tree-planting activity sa Barangay Carmen, Silang, Cavite. | ulat ni Rey Ferrer