Nagpahayag ng buong suporta ang Moro National Liberaton Front (MNLF) sa peace and development agenda ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mindanao.
Ang pahayag ay ginawa ng MNLF sa ika-4 na MNLF Convergence Meeting na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), sa Davao City kahapon.
Sa mensahe ni MNLF Founding Chairman Nur Misuari na binasa ng kanyang tagapagsalita at Head ng Sub-Committee on Confidence Building ng MNLF Peace Coordinating Committee Atty. Randolph Parcasio, kanyang pinasalamatan ang Pangulong Marcos sa pag-atas sa OPAPRU na magbukas ng mga bagong daan sa “partnership” ng MNLF at pamahalaan.
Sa naturang pagtititipon, tiniyak naman ni Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto F. Lagdameo Jr. ang determinsyon ng Pangulo na tuparin ang lahat ng commitments ng pamahalaan sa ilalim ng mga nilagdaang kasunduang pangkapayapaan.
Sa kanyang panig, siniguro naman ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. na maglalaan ang OPAPRU ng sapat na pondo sa ilalim ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Program para sa socio-economic programs ng Peace and Development Target Communities. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OPAPRU