Bunsod ng kakulangan ng mga bagong recruits na may highly technical qualifications, ipinag utos ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na i-modify ang mga training courses nito para mas makapang himok ng mas maraming aplikante at mapunan ang pangangailangan ng kanilang ahensya.
Ayon kay Catapang, sa kasalukuyan ay kulang sila ng mga Medical Doctors, Nurses, Pharmacists, Teachers, Guidance Counselors, Priests, at iba pang highly technical professions dahil sa hirap ng physical activities sa training sa tuwing nag aapply ng trabaho.
Bilang halimbawa aniya ay ang kakulangan ng doktor buong kawanihan kung saan nagreresulta ito ng isanv doctor sa kada mahigit limang libong person deprived of liberty.
Malayo aniya ito sa dapat na isang doktor sa pitonv daang pdl.
Ang nasabing kakulangan ay mas lalong lalala sa pag reretiro ng ilang mag doktor.
Dagdag pa ng heneral na Natatakot ang mga applikante na mag apply sa BuCor dahil sa takot sa physical training.
Para masolusyunan aniya ang nasabing problema ay gagawa sila nv ilang mga pagbabago para sa mga aplikante na may highly technical qualifications gaya ng pag papaiksi ng kanilang training sa 45 days kumpara sa dating anim na buwan.
At posibleng malimitahan din ang training ng mga ito sa executive training course menos ang mabigat na physical activities.
Hindi na rin aniya kinakailangan ang military haircut at sa halip ay maari na lamang ang maiiksing buhok na gupit.
Pag dating naman sweldo ay magsisimula sa P29,668 hanggang P91,058 kada buwan depense sa posisyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco