Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nakalatag na ang checkpoint o inspection station ng gobyerno sa mga affected areas ng African Swine Fever (ASF) sa Batangas.
Ito ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ay upang ma-contain ang ASF cases.
“Tomorrow, mayroon tayong mga checkpoint or inspection stations na itatalaga sa mga affected areas ‘no – sa eight municipalities so that ma-control natin iyong spread. So, it’s not that alarming because the vaccine is on the way. So, hopefully ma-contain natin ito. But, of course, it will not be easy ‘no but we will do our best.” —Sec Laurel.
Sa Malacañang Insider, sinabi ng kalihim na hindi dapat maalarma ang publiko sa mga naitallang ASF cases sa Batangas, lalo’t parating na sa Pilipinas ang bakuna laban dito.
“Iyong state of emergency or calamity is not province-wide – it’s only municipal level. Sa ngayon, walong munisipyo pa lang ang nagdeklara at ang DA is procuring, the needed vaccines sa emergency procurement system natin but it will take up to first week of September bago nga makuha iyan dahil sa proseso ng burukrasya natin.” —Sec.Laurel.
Sa katunayan, nagbigay ng na ang supplier ng bakuna ng 2,000 doses ng ASF vaccine at posibleng dumating sa bansa bukas.
Sa Martes na inaasahan na masimulan ang pagbabakuna.
“Meanwhile, luckily iyong ating supplier nag-donate ng 2,000 doses at darating dito sa Biyernes at hopefully ang target namin is maumpisahan na iyong pagbakuna by Tuesday next week.” —Sec Laurel. | ulat ni Racquel Bayan