Pinaalalahanan ng pamunuan ng NCRPO ang mga tauhan nito na paghandaan ang inaasahang mga malalakas na pag-ulan sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay PBGen. Rolly Octavio, bilang antisipasyon sa mga potensyal na low pressure area, dapat magkaroon ng inisyatiba ang kanilang mga tauhan na magtayo ng incident command post.
Dagdag pa ng heneral na kailangan ding i-activate ng NCRPO ang kanilang Disaster Incident Management Task Group (DIMTG).
Matatandaang una nang inanunsyo ng PAGASA na dapat nang asahan ng publiko ang dalawa hanggang tatlong bagyo sa bawat buwan ngayong panahon ng tag-ulan. | ulat ni Lorenz Tanjoco