Maituturing na si Carlos Yulo ang atletang Pinoy na sumabak sa international competition at nakapag-uwi ng gold na may pinakamalaking incentive na natanggap mula sa Office of the President at nangyari sa ilalim ng Marcos Administration.
Katunayan dito ang iniabot kagabi na tsekeng nagkakahalaga ng P20-M mismo ni Pangulong Marcos kay Yulo.
Lumalabas na tinapatan ng Pangulo ang itinatakda ng batas o ang P10-M insentibo sa mga Pilipinong nakakuha ng gintong medalya sa Olympic Games sa ilalim ng Republic Act No. 10699 o mas kilala na National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Kaya sa kabuuan, umaabot sa P40-M ang incentive ng Pinoy gymnast, 20 million sa PAGCOR at 20 million sa tanggapan ng Pangulo ng Republika. | ulat ni Alvin Baltazar