Tiniyak ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. na tutuparin ng Administrsyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng nalalabing “deliverables” sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Ang pagtiyak ay ginawa ni Galvez sa kanyang mensahe sa Symposium sa Japan na inorganisa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng paglagda sa CAB.
Dito’y binigyang diin ng kalihim ang commitment ng Pangulong Marcos sa Bangsamoro Peace Process.
Ang Administrasyong Marcos aniya ang nagbigay ng extension sa Bangsamoro Transition Authority (BTA); at suportang pinansyal kabilang ang “block grants” na aabot sa kabuuang P400 bilyon, at Special Development Fund na P25 bilyon para sa socio-economic programs sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ipinaabot naman ni Sec. Galvez ang pasasalamat ng buong pamahalaan ng Pilipinas sa gobyerno ng Japan at JICA sa kanilang ibinigay na buong suporta sa Bangsamoro Peace process.
Binigyang diin ni Galvez ang kahalagahan ng patuloy na suporta mula sa mga stakeholder kabilang ang pribadong sektor, mga Local Government Unit (LGU), at mga international partner tulad ng Japan. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OPAPRU