Sa botong 19-0-0, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang amyenda sa Universal Health Care (UHC) law o ang Senate Bill 2620.
Sinabi ng sponsor ng panukala na si Senador JV Ejercito na sa pamamagitan ng panukalang ito ay mas mapapababa ang premium contribution ng PhilHealth members at mas mapapalawig ang mga benepisyo nito.
Ayon kay Senate Minority leader Koko Pimentel, kapag tuluyang naisabatas ay bababa sa 3.25 percent ang premium ng mga miyembro mula sa kasalukuyang 5 percent contribution.
Nakasaad rin sa panukala ang pagsasama ng dental services sa benefit package ng PhilHealth at ang pagtitiyak na may dental expert sa PhilHealth board.
Ipinagbabawal rin ng panukala ang paglilipat ng anumang bahagi ng pondo, kita o provident fund ng PhilHealth sa ibang programa ng gobyero maliban sa health-related programs.| ulat ni Nimfa Asuncion