Philippine Army, nagpasalamat sa lahat ng nakibahagi sa blood donation drive

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Philippine Army sa lahat ng donor, partner hospital at non-government organizations (NGO) na nakibahagi sa kanilang matagumpay na nationwide blood donation drive bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heroes Day.

Dito ay nakalikom ng 24,841 blood bags kung saan 6,316 blood bags ang nagmula sa aktibong personnel at 18,525 blood bags ang nagmula naman sa reservists at iba pang donors.

Ang blood donation drive na isinagawa noong araw ng Linggo sa 171-collection center sa buong bansa ay pinangunahan ng Phil. Army sa tulong ng iba’t ibang chapter ng Philippine Red Cross, mga pribado at pampublikong ospital, at Department of Health (DOH).

Ang nalikom na dugo ay gagamitin para matiyak ang “blood reserve” ng bansa sa panahon ng matinding pangangailangan.

Ayon kay Phil. Army Chief Lieutenant General Roy Galido, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ay maraming buhay ang naisalba. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us