Inatasan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng police unit sa bansa na tutukan ang Barangay Public Safety.
Ang kautusan ng PNP Chief ay pagpapalakas ng “Pulis sa Barangay” (RPSB) program, na napatunayang epektibo sa pagpapababa ng crime rate, paglaban sa terorismo, at pangontra sa ilegal na droga.
Binigyang diin ng PNP Chief na ang kaligtasan ng mga mamayan ay nagsisimula sa Barangay, kaya dapat ay may “strategic deployment” ang mga pulis sa bawat barangay, partikular sa mga tinaguriang “high-risk” o bulberableng lugar.
Pinasisiguro din ng PNP Chief na ang mga mobile patrol ay aktibong nagsasagawa ng “roving operations” upang handang tumugon sa pangangailangan ng mga mamayan.
Ayon sa PNP Chief, nais niyang marararamdaman ng publiko na sila ay ligtas sa pangangalaga ng PNP. | ulat ni Leo Sarne