QCPD, nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa bilang ng focus crimes kumpara sa ibang police districts sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District (QCPD) na nakapagtala ito ng malaking pagbaba sa walong focus crimes sa kanilang nasasakupan.

Ito ang pinakamataas na pagbaba sa lahat ng limang distrito ng pulisya sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kabilang sa walong focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, at carnapping.

Batay sa datos ng QCPD, mula Enero hanggang Hulyo 2023, mayroong 1,350 na naitalang insidente, kumpara sa 1,060 na insidente sa parehong panahon ngayong taon.

Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan, bumaba ng 21.48 percent ang kaso ng malalaking krimen sa lungsod o katumbas ng halos 300 insidente.

Iniulat din ng QCPD ang pagbuti ng kanilang Crime Clearance and Solution Efficiency na tumaas ng 2.75%.

Pinuri rin ni Maranan ang kaniyang mga tauhan para sa kanilang dedikasyon at epektibong mga estratehiya sa pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us