Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero ang kumakalat na balita tungkol sa naging pahayag niya kaugnay ng mga holiday sa bansa.
Ayon kay Escudero, wala siyang sinabi na bawasan ang mga holiday sa Pilipinas.
Ang punto aniya ay ang huwag na dapat dagdagan ang mga holiday natin ngayon dahil sobrang dami na nito.
Sa ngayon kasi ay nasa 23-25 days na ang kabuuang local at national holidays ng bansa.
Pinaliwanag rin ng senador na mahabang panahon at debate ang kakailanganin para mabawasan ang mga holiday.
Aminado ang mambabatas na hindi kakayanin ng kasalukuyang Kongreso na magawa ito kung sakali.| ulat ni Nimfa Asuncion