Nananatiling normal ang biyahe ng mga jeepney sa Pasig City ngayong unang araw ng tigil-pasada ng mga grupong Manibela at Piston.
Ito’y kahit pa may ilang mga miyembro ng naturang grupo partikular na iyong may rutang Pasig Palengke – Quiapo na sumama sa ikinasang programa sa Welcome Rotonda sa Quezon City.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, hindi ramdam ang tigil-pasada dahil sa marami pa rin ang pumapasadang jeepney.
Kung may mga namamataang pag-iipon naman ng mga pasahero subalit itinuturing na normal lamang ito ng Pasig Traffic dahil sa rush hour.
Handa naman ang Pasig LGU na gamitin ang mga asset nito sakaling magkaroon ng aberya.
2 bus, 2 all purpose vehicle, 3 truck at 2 L-300 type vehicles ang naka-antabay para maghandog ng libreng sakay.
May sapat ding tauhan ang LGU para sa pagmamando ng trapiko sa lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala