CHR, umaasa na madaragdagan ang kanilang budget para sa 2025

Sinabi ng Commission on Human Rights (CHR) na malaking tulong para sa kanila kung madaragdagan ang budget para sa susunod na taon. Sa budget deliberation ng CHR sa House Appropriations Committee, sinabi ni CHR Chairperson Richard Palpal-Latoc, na sa hiling nilang P1.7 billion sa ilalim ng National Expenditure Program ito ay nasa P1.1 billion na… Continue reading CHR, umaasa na madaragdagan ang kanilang budget para sa 2025

Bilang ng mga nawawala sa Barangay San Luis, Antipolo City, Rizal, ibinaba na sa dalawa

Pahirapan ang isinagawang paghahanap ng mga tauhan ng Antipolo BFP, Antipolo PNP at mga kawani ng barangay sa mga nawawala sa Sitio Banaba, Barangay San Luis, Antipolo, Rizal. Ito ay dahil sa pabugso-bugsong ulan na nararanasan dito sa lugar. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Barangay San Luis Chairman Crisol Cate, kinumpirma nitong nahanap na… Continue reading Bilang ng mga nawawala sa Barangay San Luis, Antipolo City, Rizal, ibinaba na sa dalawa

Mga nagsilikas sa mga evacuation center sa Marikina City, nagsiuwian na sa kanilang mga tahanan

Nagsibalikan na sa kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas sa pamilya sa mga evacuation center sa Marikina City kahapon. Ito ay matapos na magpatupad ng pre-emptive evacuation ang Marikina LGU matapos na umabot sa ikalawang alarma ang Marikina River dahil sa magdamag na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong #EntengPH. Sa datos ng Marikina City… Continue reading Mga nagsilikas sa mga evacuation center sa Marikina City, nagsiuwian na sa kanilang mga tahanan

Paggamit ng intelligence fund ng law enforcement agencies, sisilipin kasunod ng paglabas ng bansa ni Alice Guo

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Plano ni Senador Sherwin Gatchalian na busisiin ang intelligence fund ng law enforcement agencies ng bansa kasunod ng naging pagtakas at paglabas ng Pilipinas ni dating Mayor Alice Guo. Para kasi kay Gatchalian, nagkaroon ng pagkukulang sa intelligence. Kaya naman sa magiging pagdinig ng panukalang 2025 budget ng iba’t ibang law enforcement agencies ay tatanungin… Continue reading Paggamit ng intelligence fund ng law enforcement agencies, sisilipin kasunod ng paglabas ng bansa ni Alice Guo

F. Manalo Bridge sa Pasig City, pansamantalang binuksan para sa mga piling sasakyan – Pasig LGU

Abiso sa mga motorista… Pansamantalang ipinatutupad ang two-way traffic sa F. Manalo Bridge sa Barangay Manggahan sa Pasig City mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng madaling araw. Batay sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, ito ay para lamang sa mga tricycle, motorsiklo, bisikleta, e-bike, at mga pedestrian. Kabilang din sa papayagan na makadaan… Continue reading F. Manalo Bridge sa Pasig City, pansamantalang binuksan para sa mga piling sasakyan – Pasig LGU

COMELEC, siniguro sa mga OFWs na paso na ang pasaporte, na maaari pa ring makapagparehistro para makaboto sa susunod na eleksyon

Aminado ang COMELEC na isa sa isyu na kanilang kinakaharap para ma-engganyo ang mga overseas filipino worker (OFW) na magparehistro at i-avail ang overseas absentee voting ay dahil sa mga napasong pasaporte. Ito ang inilahad ng poll body sa pagsalang sa budget hearing ng kanilang P35.7 billion na panuklang pondo sa 2025. Ayon kay COMELEC… Continue reading COMELEC, siniguro sa mga OFWs na paso na ang pasaporte, na maaari pa ring makapagparehistro para makaboto sa susunod na eleksyon

Paglilinis sa mga kalat na basura sa mga kalsada, sinimulan na ng Malabon LGU

Photo courtesy of Malabon LGU

Puspusan na ang paglilinis sa mga basurang iniwan ng bagyong Enteng at Habagat sa mga kalsada at daluyan ng tubig sa Lungsod ng Malabon. Sinasamantala ang paglilinis, sa gitna ng pabugso-bugsong buhos ng pag-ulan. Partikular na tinatanggal ang mga basurang bumara sa mga drainage system at mga hadlang sa kalsada. Tinitiyak din ng local government,… Continue reading Paglilinis sa mga kalat na basura sa mga kalsada, sinimulan na ng Malabon LGU

Pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga Dam, itinigil na – PAGASA

Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao Damat Binga Dam sa Benguet. Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division ngayong hapon, bumaba na sa 748.50 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao mula sa 752 meters na normal water elevation nito. Habang bumaba naman sa 571.10 meters ang lebel ng tubig sa Binga na mas… Continue reading Pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga Dam, itinigil na – PAGASA

SEC, may alok na insentibo upang hikayatin ang mga korporasyon na tumalima sa reportorial requirements

May alok ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga korporasyon upang hikayatin ang mga delinquent corporation na sumunod sa reportorial requirements. Sa inisyung Enhanced Compliance Incentive Plan (ECIP), papayagan nito ang mga delinquent corporation na i-settle ang kanilang unassessed o unpaid fines and penalties na kasing baba ng P20,000. Ang ECIP ay inisyu kasunod… Continue reading SEC, may alok na insentibo upang hikayatin ang mga korporasyon na tumalima sa reportorial requirements

ARTA, pinangunahan ang Bagong Pilipinas Town Hall Meeting sa Baguio City

Isinagawa ngayong hapon ng Anti Red Tape Authority (ARTA) ang Bagong Pilipinas Town Hall Meeting sa Baguio City. Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, kasama sa pulong ang 320 barangays mula sa iba’t ibang bahagi ng Northern Luzon. Ang Bagong Pilipinas Town Hall Meeting ay upang ibahagi ang mga inisyatiba ng kasalukuyang administrasyon para sugpuin… Continue reading ARTA, pinangunahan ang Bagong Pilipinas Town Hall Meeting sa Baguio City