Food packs, ipamamahagi ng Office of the Speaker at Tingog Party-list sa evacuation centers sa NCR at Rizal

Mamamahagi ng food packs ang Office of the Speaker at Tingog Party-list sa iba’t ibang evacuation centers sa National Capital Region (NCR) at Rizal simula ngayong araw. Nasa 35,000 na food packs na naglalaman ng delata, noodles, at bigas ang ipamamahagi sa mga apektadong pamilya na lumikas at nasa evacuation centers dahil sa bagyo. Galing… Continue reading Food packs, ipamamahagi ng Office of the Speaker at Tingog Party-list sa evacuation centers sa NCR at Rizal

Trabaho sa ilang mga korte sa Luzon, kanselado na rin

Nag-abiso na ang Supreme Court sa publiko na sarado ngayong araw ang pasok sa ilang korte sa Luzon. Sa abiso ng Korte Suprema, suspendido ang trabaho sa lahat ng Municipal at Regional Trial Court sa Santiago City, Isabela dahil sa masungit na panahon. Wala ring pasok ang mga empleyado ng lahat ng korte sa buong… Continue reading Trabaho sa ilang mga korte sa Luzon, kanselado na rin

Higit 100 pamilya, nananatili pa sa evacuation centers sa Valenzuela

Mayroon pang 103 pamilya o katumbas ng 419 na mga indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers sa Valenzuela City bunsod ng epekto ng bagyong Enteng. Sa tala ng City Social Welfare and Development, sa kasalukuyan ay may limang bukas na evacuation sites sa lungsod. Pinakamarami ang nananatili sa Valenzuela National High School sa… Continue reading Higit 100 pamilya, nananatili pa sa evacuation centers sa Valenzuela

DSWD, tuloy-tuloy na nagpapaabot ng tulong sa mga apektado ng bagyong Enteng sa Bicol Region

Walang patid na ang pagpapadala ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na apektado ng bagyong Enteng at habagat gaya sa Bicol Region. Ayon sa DSWD, karagdagang 15,000 kahon ng family food packs (FFPs) ang ipinadala na sa Bicol Region mula sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Mandaue… Continue reading DSWD, tuloy-tuloy na nagpapaabot ng tulong sa mga apektado ng bagyong Enteng sa Bicol Region

Paghahanap sa 4 na nawawala sa Brgy. San Luis sa Antipolo City matapos anurin ng baha, nagiging pahirapan

Tila sumusuot sa butas ng karayom ang mga rescuer na rumeresponde sa nangyaring landslide sa Sitio Banaba, Brgy. San Luis sa Antipolo City. Sa pagsisimulang muli ng rescue operations ngayong araw, nabatid na aabot sa 75 talampakan ang distansya ng bahay na inanod dahil sa malakas na ulan. Pahirapan din ang pag-akyat sa ground zero… Continue reading Paghahanap sa 4 na nawawala sa Brgy. San Luis sa Antipolo City matapos anurin ng baha, nagiging pahirapan

Office of the Speaker ng Kamara, tumulong para mapabilis ang paglalabas ng ₱390-M na calamity aid para sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Enteng

Sa atas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay tinutukan ni House Speaker Martin Romualdez ang agarang paglalabas ng calamity aid para sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Enteng sa Metro Manila at CALABARZON. Tig-₱10 million na financial aid ang ipapamahagi sa 39 na Congressional district na apektado ng bagyo o kabuuang ₱390… Continue reading Office of the Speaker ng Kamara, tumulong para mapabilis ang paglalabas ng ₱390-M na calamity aid para sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Enteng

Salary increase ng mga guro salig sa EO 64, epektibo na ngayong Setyembre

Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Analyn Sevilla na mula ngayong September payroll ay mararamdaman na ng mga guro ang salary increase salig sa inilabas na Executive Order 64. Sa pag-usisa ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa budget hearing ng DepEd, sinabi ng opisyal na nakapaglabas na sila ng memorandum para sa… Continue reading Salary increase ng mga guro salig sa EO 64, epektibo na ngayong Setyembre

Evacuees sa Caloocan, nahatiran na ng tulong ng pamahalaang lungsod

Nagpaabot na ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ng tulong sa mga residente na inilikas sa mga evacuation center dulot ng bagyong Enteng. Kabilang sa ipinamahagi ng LGU sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Department (CDRRMD) at City Social Welfare Development Department (CSWDD) ang medical check-up, hot meals, tents, at sleeping kits. Nasa kabuuang… Continue reading Evacuees sa Caloocan, nahatiran na ng tulong ng pamahalaang lungsod

Higit 600 pamilya sa Brgy. Tatalon, nananatili pa sa evacuation centers

Pansamantalang nananatili ngayon sa Diosdado Macapagal Elementary School sa Brgy. Tatalon, Quezon City ang nasa higit 500 pamilya o 2,248 indibidwal dahil sa mga pag-ulang dulot ng bagyong Enteng at habagat. Karamihan sa mga inilikas dito ay nakatira sa mga lugar na kadalasang binabaha gaya ng Araneta, Victory Street, at Kaliraya. Bukod sa DPMES, mayroon… Continue reading Higit 600 pamilya sa Brgy. Tatalon, nananatili pa sa evacuation centers

Halos 3,000 pamilya sa Marikina City, nananatili pa rin sa evacuation centers

Nananatili pa rin sa evacuation centers ang nasa 2,875 na pamilya o 12,457 na indibidwal sa Marikina City. Ito’y ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, kasunod ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Marikina River matapos ang maghapong pag-ulan dala ng habagat at bagyong Enteng kahapon. Batay sa ipinarating na ulat ni Mayor Teodoro sa… Continue reading Halos 3,000 pamilya sa Marikina City, nananatili pa rin sa evacuation centers