Pagbisita ng Italian Navy Strike Group sa bansa, malugod na tinanggap ng PH Navy

Photo courtesy of Philippine Navy

Malugod na tinanggap ng Philippine Navy ang delegasyon ng Italian Navy Carrier Strike Group na bumisita sa Phil. Navy Headquarters, kahapon. Ang Italian delegation na pinangunahan ni Rear Adm. Giancarlo Ciappina, Commander ng Fleet Air Arm ng Italian Navy, ay tinanggap ni Naval Reserve Command Deputy Commander, Commo. Lemuel Espartinez. Dumating sa bansa ang Italian… Continue reading Pagbisita ng Italian Navy Strike Group sa bansa, malugod na tinanggap ng PH Navy

Mga senador, umaasang haharap si dating Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado sa Lunes

Ngayong nandito na sa bansa si dating Mayor Alice Guo, hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang dating alkalde na magsabi na ng buong katotohanan tungkol sa operasyon ng Philippine offshore gaming operator (POGO) kapag humarap muli sa imbestigasyon ng Senado. Giniit ni Gatchalian, na ang patuloy na pagsisinungaling o ano mang pagtatangka na pagtakpan ang… Continue reading Mga senador, umaasang haharap si dating Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado sa Lunes

30,000 Pinoy POGO workers, natapos nang i-profile ng DOLE

Gumugulong na ang profiling o pagtukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Pilipinong manggagawa na maaapektuhan ng POGO ban. Sa budget hearing sa senado, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na 30,000 na sa halos 40,000 na pinoy POGO workers ang natapos na nilang i-profile o makuhaan ng buong impormasyon. Pinaliwanag ng… Continue reading 30,000 Pinoy POGO workers, natapos nang i-profile ng DOLE

3 Electric Coop, nananatiling apektado ng bagyong Enteng

Mayroon pang tatlong electric cooperatives (ECs) sa bansa ang nananatiling apektado ng hagupit ng Bagyong Enteng batay sa pinakahuling tala ng National Electrification Administration (NEA). Kabilang sa patuloy na apektado ang Northern Samar Electric Coop na may iniulat na partial power interruption. Hindi rin agad masimulan ang reconnection dito dahil sa safety concerns na may… Continue reading 3 Electric Coop, nananatiling apektado ng bagyong Enteng

Pinsalang tinamo ng agri sector sa hagupit ng bagyong Enteng, umabot na sa P659-M

Lumobo pa sa P659-M ang halaga ng pinsalang idinulot ng pananalasa ng Bagyong Enteng sa sektor ng agrikultura, ayon yan sa Department of Agriculture. Sa pinakahuling assessment report ng DA-DRRM Operations Center, naitala ang pinsala sa mga sakahan Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western at Eastern Visayas Katumbas ito ng higit 22,309 na ektarya ng… Continue reading Pinsalang tinamo ng agri sector sa hagupit ng bagyong Enteng, umabot na sa P659-M

Pagpapalakas sa AFP, tinalakay ni Sec. Teodoro at Sec. Austin

Pinagusapan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at U.S. Defense Secretary Lloyd Austin III ang pagpapalakas ng kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito’y sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono noong Setyembre 4, na ika-8 pagkakataon na nag-usap sa telepono ang dalawang opisyal para talakayin ang mga kaganapang panseguridad sa… Continue reading Pagpapalakas sa AFP, tinalakay ni Sec. Teodoro at Sec. Austin

Tulong ng Estados Unidos sa mga darating na bagyo, welcome sa DND

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang alok na tulong ng Estados Unidos para ma-ibsan ang mga epekto ng bagyo sa Pilipinas. Ito’y sa pakikipag-usap sa telepono ni Sec. Teodoro kay U.S. Defense Secretary Lloyd Austin, noong Setyembre 4, na ika-8 pagkakataon na mag-usap ang dalawang opisyal para talakayin… Continue reading Tulong ng Estados Unidos sa mga darating na bagyo, welcome sa DND

Employment rate nitong Hulyo, naitala sa 95.3%

Iniulat ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 95.3% na employment rate sa bansa para sa buwan ng Hulyo. Batay yan sa pinakahuling labor force participation survey ng PSA kung saan umabot sa 47.70 milyong mga Pilipino ang nagkatrabaho sa bansa nitong Hulyo. Bagamat mas mababa ito kumpara noong Hunyo at Abril ng 2024, mas… Continue reading Employment rate nitong Hulyo, naitala sa 95.3%

Pagdinig sa inihaing petisyon ng OSG para ipawalang bisa ang Birth Certificate ni Alice Guo, masisimulan na sa Sep.18

Kinumpirma ni Solicitor General Menardo Guevarra na sisimulan na ng korte sa Tarlac ang pagtalakay sa inihain nilang petisyon na kanselahin ang Birth Certificate ni Alice Guo. Ito ang sinabi ni Guevarra sa harap ng House Committee on Appropriations nang mahingan ng update sa mga kaso na inihain laban kay Guo. Nakatakda aniya ang Summary… Continue reading Pagdinig sa inihaing petisyon ng OSG para ipawalang bisa ang Birth Certificate ni Alice Guo, masisimulan na sa Sep.18

Mga pensioner ng SSS, patuloy na hinikayat na mag-avail ng Pension Loan Program

May karagdagang benepisyong alok ang Social Security System (SSS) sa mga retiradong miyembro na may buwanan nang natatanggap na pension. Ito ay ang Pension Loan Program na isang programang pautang na may mababang interes para sa mga SSS pensioner. Sa ginanap na Pensioners’ Day, muling hinikayat ni SSS Comm. Robert Joseph M. De Claro ang… Continue reading Mga pensioner ng SSS, patuloy na hinikayat na mag-avail ng Pension Loan Program