AFP, handa sakaling magpasya ang korte na ilipat sa kanila ang kostudiya ni Pastor Apollo Quiboloy

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipiit sa kanilang pasilidad si Kingdom of Jesus Christ Leader, Pastor Apollo Quiboloy at 4 na iba pa. Ito’y sa sandaling magpasya ang mga korte na humahawak ng kaso nila Quiboloy na pagbigyan ang hirit ng kampo nito na ilipat sa Kampo Aguinaldo ang kostudiya sa… Continue reading AFP, handa sakaling magpasya ang korte na ilipat sa kanila ang kostudiya ni Pastor Apollo Quiboloy

Contractor ng waste management sa Malabon, inisyuhan ng ‘cease & desist’ order

Pinahihinto na ng Malabon City government ang operasyon ng waste management at sanitation company na Metrowaste Solid Waste Management Corporation (MSWMC) sa paggamit ng Malabon Transfer Station sa Barangay Panghulo. Ayon sa City Legal Department (CLD), inisyuhan ng ‘cease and desist’ order ang kumpanya matapos na hindi tumugon sa makailang ulit nang reklamo mula sa… Continue reading Contractor ng waste management sa Malabon, inisyuhan ng ‘cease & desist’ order

Biyahe ng LRT-2, nagka-aberya ngayong umaga

Pansamantalang nagpapatupad ng provisionary service ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong umaga. Batay sa abiso ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ito’y bunsod ng nangyaring aberya sa suplay ng kuryente. Dahil dito, tanging sa Antipolo patungong V. Mapa Station lamang ang biyahe ng tren at pabalik. Habang walang biyahe ang Pureza… Continue reading Biyahe ng LRT-2, nagka-aberya ngayong umaga

Preventive evacuation, ongoing na sa Canlaon City — DSWD Central Visayas

Nakatutok na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office (FO) 7 – Central Visayas sa nagpapatuloy na preemptive evacuation sa Canlaon City sa gitna ng mataas na aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros Oriental. Sa report kay DSWD Secretary Rex Gatchalian ni Central Visayas Regional Director Shailane Marie Lucero, mayroon nang 88… Continue reading Preventive evacuation, ongoing na sa Canlaon City — DSWD Central Visayas

Higit 10,000 pamilyang na nasalanta dahil sa bagyong Enteng, natulungan sa ikinasang relief ops ng Tingog Party-list at Office of the Speaker sa Rizal at Zambales

Umabot sa higit 10,000 pamilya na naapektuhan ng bagyong Enteng ang naabutan ng tulong ng Tingog Party-list at Office of the Speaker na naisagawa sa Rizal at Zambales. Nito lang Lunes, 600 pamilya o katumbas ng 3,000 indibidwal sa Zambales mula sa distrito ni Representative Bing Maniquiz ang nakatanggap ng relief packs mula sa DSWD,… Continue reading Higit 10,000 pamilyang na nasalanta dahil sa bagyong Enteng, natulungan sa ikinasang relief ops ng Tingog Party-list at Office of the Speaker sa Rizal at Zambales

Bulkang Kanlaon, nagtala ng higit 300 pagyanig; mataas na lebel ng asupre, ibinuga rin ng bulkan

Patuloy na nakatutok ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng Bulkang Kanlaon sa Negros kasunod ng naobserbahang pagtaas na naman sa aktibidad ng bulkan. Sa monitoring ng PHIVOLCS, aabot sa kabuuang 337 volcanic-tectonic (VT) earthquakes ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24-oras. Umabot rin sa 9,985 na toneladang volcanic sulfur… Continue reading Bulkang Kanlaon, nagtala ng higit 300 pagyanig; mataas na lebel ng asupre, ibinuga rin ng bulkan

50,000 password-free Wi-Fi hotspots, kakailanganin ng Pilipinas para sumipa pa ang ekonomiya ng bansa

Nais ng Kongreso na makapag-install ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng hindi bababa sa 50,000 password-free Wi-Fi hotspots upang mapalakas ang internet connection at sumipa ang ekonomiya ng bansa lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs). Ayon kay House Committee on Appropriations Vice-Chair Luis Campos Jr., para maisakatuparan ito… Continue reading 50,000 password-free Wi-Fi hotspots, kakailanganin ng Pilipinas para sumipa pa ang ekonomiya ng bansa

DA, nananatiling kumpiyansa sa bakuna kontra ASF

Nananatiling positibo ang Department of Agriculture (DA) sa ikinakasang bakunahan kontra African Swine Fever (ASF), sa kabila ng naitalang pagkasawi ng limang baboy na kasama sa unang batch ng naturukan nito. Paliwanag ng DA, lumabas sa kanilang imbestigasyon na ang mga hayop ay mayroon nang umiiral na resiratory illness na hindi naulat bago ang pagbabakuna.… Continue reading DA, nananatiling kumpiyansa sa bakuna kontra ASF

₱14-M reward sa ‘tipster’ na nagturo sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy at 4 na iba pa, ibibigay ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang ibibigay ang ₱14-na milyong pisong reward sa impormanteng positibong nagturo sa kinaroroonan nila Pastor Apollo Quiboloy at apat na kapwa akusado nito. Iyan ay matapos ibinunyag ng PNP na ang naturang “tipster” ang siyang nagsilbing daan upang matuldukan na ang nasa humigit kumulang na dalawang linggong operasyon… Continue reading ₱14-M reward sa ‘tipster’ na nagturo sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy at 4 na iba pa, ibibigay ng PNP

Paggamit ng C-130 ng militar sa paghahatid kay Pastor Apollo Quiboloy, iba pang akusado, binigyang katuwiran ng AFP

Bahagi ng regular na operasyon at kooperasyon ng militar ang paggamit ng C-130 aircraft nito sa paghahatid kina Pastor Apollo Quiboloy gayundin sa apat na kapwa akusado nito. Iyan ang paliwanag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang tanungin kung utos ba ng Pangulo na dito isakay sina Quiboloy nang ihatid ito patungong Maynila… Continue reading Paggamit ng C-130 ng militar sa paghahatid kay Pastor Apollo Quiboloy, iba pang akusado, binigyang katuwiran ng AFP