Internal Affairs Service ng PNP, nagsagawa ng field inspection sa Basulta

Pinangunahan ni Internal Affairs Service Inspector General Atty. Brigido Dulay ang comprehensive field inspection at audit ng mga provincial at city police office sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi o BASULTA islands. Ayon kay Dulay ang inspeksyon sa mga tanggapan ng pulis ay para ma-check ang kanilang operational readiness dahil sila ay nasa remote at isolated… Continue reading Internal Affairs Service ng PNP, nagsagawa ng field inspection sa Basulta

DND, may buwelta sa mga nagpapakalat ng fake news hinggil sa umano’y pagbibitiw ni Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr.

Bumuwelta ang Department of National Defense (DND) sa mga nagpapakalat ng maling balita hinggil sa umano’y pagbibitiw ni Sec. Gilberto Teodoro Jr sa Kagawaran. Ayon kay Defense Spokesperson, Dir. Arsenio Andolong, dapat itigil ng mga kritiko ang pagpapakalat ng maling balita sa publiko na layong maghasik ng gulo at pagkakawatak-watak. Giit ng opisyal, nakatutok ngayon… Continue reading DND, may buwelta sa mga nagpapakalat ng fake news hinggil sa umano’y pagbibitiw ni Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr.

PNP, naghahanda na sa posibleng pagdagsa ng mga tagasuporta ni Pastor Quiboloy bukas, kasabay ng pagbasa ng sakdal sa kanya at 4 na iba pa

Pinaplantsa na ng Philippine National Police (PNP) ang magiging latag ng seguridad sa pagbiyahe kina Pastor Apollo Quiboloy at sa apat na kapwa akusado nito sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 bukas. Ito, ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, ay dahil sa inaasahan nilang pagdagsa ng mga tagasunod… Continue reading PNP, naghahanda na sa posibleng pagdagsa ng mga tagasuporta ni Pastor Quiboloy bukas, kasabay ng pagbasa ng sakdal sa kanya at 4 na iba pa

7,000 kawani ng Valenzuela LGU, sumalang sa surprise mandatory drug test

Isang malawakang drug testing ang ikinasa ng Valenzuela LGU sa higit 7,000 kawani ng Valenzuela City Hall at City External Services Office (CESO) Action Center. Pinangunahan mismo ni Mayor Wes Gatchalian ang mandatory drug testing, bilang pakikiisa sa mga patakaran ng pamahalaang lungsod. Ayon sa alkalde, layon ng surprise mandatory drug testing sa lahat ng… Continue reading 7,000 kawani ng Valenzuela LGU, sumalang sa surprise mandatory drug test

LRT-2, nagtigil operasyon matapos magka-aberya ang isang tren nito

Pansamantalang tigil-operasyon ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong umaga. Batay sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ito’y dahil sa nangyaring aberya sa isang tren nito sa bahagi ng J. Ruiz Station. Ayon kay LRTA Administrator, Atty. Hernando Cabrera, pasado alas-7 ng umaga nang mangyari ang insidente at kasalukuyan nang inaalis ang… Continue reading LRT-2, nagtigil operasyon matapos magka-aberya ang isang tren nito

Information drive vs. MPOX sa mga taga-Metro Manila, paiigtingin ng MMDA

Nakatakdang maglunsad ng malawakang information drive ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang ipabatid sa publiko ang mga dapat malaman hinggil sa MPOX. Ito ang inihayag ni MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes makaraang makipagpulong ang Metro Manila Council (MMC) sa Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD). Ilan sa mga… Continue reading Information drive vs. MPOX sa mga taga-Metro Manila, paiigtingin ng MMDA

Manila Water, pinag-iingat ang mga customer sa mga nagnanakaw at nagmamanipula ng metro ng tubig

Pinaalalahanan ngayon ng East Zone concessionaire na Manila Water ang kanilang mga customer na mag-ingat sa mga nangingialam o nagnanakaw ng metro ng tubig. Kasunod ito ng mga reklamong natanggap ng Manila Water kaugnay ng mga kaso ng pagnanakaw at pagmanipula ng mga metro ng tubig. Ayon kay Jeric Sevilla, Manila Water Corporate Communication Affairs… Continue reading Manila Water, pinag-iingat ang mga customer sa mga nagnanakaw at nagmamanipula ng metro ng tubig

Iba pang mga nabiktima ni Pastor Apollo Quiboloy, isisiwalat ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kaligtasan ng mga naging biktima ng pang-aabuso ni Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang inihayag ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil makaraang ibunyag nito na marami pang mga kabataang babae at pamilya ng mga ito ang lumapit sa Pulisya para magbigay ng kanilang mga nalalaman laban sa… Continue reading Iba pang mga nabiktima ni Pastor Apollo Quiboloy, isisiwalat ng PNP

Pagpapalawak ng bakunahan kontra ASF, target ng DA na masimulan sa Oktubre

Tina-target ng Department of Agriculture (DA) na masimulan sa buwan ng Oktubre ang pagpapalawak ng bakunahan kontra African Swine Fever (ASF) sa Visayas at Mindanao. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., batay sa kanilang timelime ay maaaring makumpleto ang proseso ng procurement para sa 150,000 doses sa October 10. Oras na maisapinal ang kontrata… Continue reading Pagpapalawak ng bakunahan kontra ASF, target ng DA na masimulan sa Oktubre

PSA, lalagyan na ng pirma ang mga bagong iiimprentang National ID cards

Nasa plano na ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lagyan ng pirma ang mga National Identification (ID) card na ipapamahagi sa mga Pilipino. Sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2025 budget ng National Economic and Development Authority (NEDA) natanong ni Senador Grace Poe kung paanong tutugunan ng PSA ang reklamo ng ilan na hindi tinatanggap… Continue reading PSA, lalagyan na ng pirma ang mga bagong iiimprentang National ID cards