DSWD Western Visayas, naka-alerto na rin dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Kanlaon

Kasalukuyang nasa high alert status ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 6 – Western Visayas kasunod ng babala ng PHIVOLCS tungkol sa ipinapakitang aktibidad ng Bulkang Kanlaon. Ayon sa DSWD FO 6, mayroon silang nakahandang P147 milyong halaga ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sakaling kailanganin sa mga operasyon. Ang… Continue reading DSWD Western Visayas, naka-alerto na rin dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Kanlaon

DepEd, nagsasagawa ng survey at konsultasyon sa mga kawani nito kaugnay sa annual medical allowance na ibibigay ng pamahalaan

Upang masiguro ang maayos na implementasyon ng annual medical allowance na ibibigay ng pamahalaan, nagsasagawa ngayon ang Department of Education (DepEd) ng survey at konsultasyon sa mga kawani nito. Layon nitong makatulong sa mga gastusing pangkalusugan ng mga kawani ng pamahalaan, kabilang na ang mga guro sa pampublikong paaralan. Ang nasabing medical allowance na nasa… Continue reading DepEd, nagsasagawa ng survey at konsultasyon sa mga kawani nito kaugnay sa annual medical allowance na ibibigay ng pamahalaan

Panukalang gawing 6 na taon ang termino ng mga opisyal ng barangay, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Naiprisinta na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong gawing anim na taon ang panunungkulan ng mga halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK). Sa ilalim ng Senate bill 2816, gagawing anim na taon ang panunungkulan ng mga barangay at SK officials, at hanggang dalawang termino ang pwede nilang pagsilbihan. Aamyendahan… Continue reading Panukalang gawing 6 na taon ang termino ng mga opisyal ng barangay, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

LTO, naglabas ng show cause order laban sa rider at vlogger na sadyang pumasok sa SLEX kahit bawal ang kaniyang motorsiklo

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa isang rider na sadyang pumasok sa South Luzon Expressway (SLEX) kahit alam niyang bawal ang kanyang motorsiklo. Base sa umiiral na patakaran, mahigpit na ipinagbabawal ang mga motorsiklo na may kapasidad na mababa sa 400cc sa expressway. Sa kasong ito, alam ng… Continue reading LTO, naglabas ng show cause order laban sa rider at vlogger na sadyang pumasok sa SLEX kahit bawal ang kaniyang motorsiklo

P25-M tulong para sa mga bikitma ng sunog sa Cavite, ikinasa ng Office of the Speaker

Agad inasikaso ni Speaker Martin Romualdez ang mabilis na paglalabas ng nasa P25 million na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa may 1,000 pamilyang nasunugan sa Bacoor, Cavite. Sa pondo ng AICS o AKAP, huhugutin ang ipapaabot na ayuda, medical assistance at maging temporary shelter para sa mga apektadong… Continue reading P25-M tulong para sa mga bikitma ng sunog sa Cavite, ikinasa ng Office of the Speaker

Pinaigting na information drive kaugnay sa leptospirosis, inaprubahan ng Metro Manila Council

Inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon na humihimok sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magsagawa ng information drive at kampanya upang mapataas ang kamalayan ng publiko tungkol sa leptospirosis. Sa isang press briefing na ginanap sa MMDA Head Office sa Pasig City, inihayag ni MMDA Acting Chairperson Atty. Don… Continue reading Pinaigting na information drive kaugnay sa leptospirosis, inaprubahan ng Metro Manila Council

Department of Finance, sinigurong ipagpapatuloy ang pagsugpo ng  iligal na vape products

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na tutugunan ng kanyang tanggapan ang pagsugpo ng pagbebenta ng illegal vape products sa merkado. Sa kanyang pulong kasama si Japan Tobacco International (JTI) General Manager John Freda at ilang matataas na opisyales ng kumpanya, pinag-usapan ang mga paraan upang labanan ang  ipinagbabawal na kalakalan ng tabako at mabuo… Continue reading Department of Finance, sinigurong ipagpapatuloy ang pagsugpo ng  iligal na vape products

Mga magulang na nag “alay” ng menor de edad na anak kay Quiboloy, pananagutin ng PNP

Mananagot sa batas ang mga magulang na kusang nag “alay” ng kanilang mga menor de edad na anak para pagsilbihan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na nakakaalarma ang bilang ng mga… Continue reading Mga magulang na nag “alay” ng menor de edad na anak kay Quiboloy, pananagutin ng PNP