Senate inquiry tungkol sa pagpapatupad ng national ID system, isinisulong ni Senador Koko Pimentel

Naghain si Senate Minority leader Koko Pimentel ng isang resolusyon para maimbestigahan sa Senado ang backlog sa mga national identification (ID) cards at para isulong ang komprehensibong rebyu sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act. Sa ilalim ng Senate Resolution 1192, layong tugunan ang mga delay sa pamamahagi ng mga Philippine… Continue reading Senate inquiry tungkol sa pagpapatupad ng national ID system, isinisulong ni Senador Koko Pimentel

Pagpapalabas ni retired General Villanueva ng unverified intel report, mali- Sen. Bato

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Planong singilin ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa si PAGCOR senior vice president for security Raul Villanueva tungkol sa pangalan ng sinasabi nitong ex-PNP chief na nasa monthly payola ng mga POGO. Para kay Dela Rosa, na isang dating PNP chief, mali ang ginawa ni Villanueva na ilabas ang isang intel report na hindi pa… Continue reading Pagpapalabas ni retired General Villanueva ng unverified intel report, mali- Sen. Bato

Mandurukot sa eroplano, huli ng BI

Hindi umobra ang dulas ng 3 Chinese nationals sa mga tauhan ng Bureau of Immigration matapos maharang ang nga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon kay BI Officer-in-Charge Joel Anthony Viado, ini-report sa kanila ang tatlong suspek matapos makatanggap ng sumbong na ninakaw ng mga ito ang isang luggage mula Kuala Lumpur. Kinilala… Continue reading Mandurukot sa eroplano, huli ng BI

Rent system ng mga barkong pandigma, isinuhestyon ng isang mambabatas

Ibinhagi ni Senador Francis Tolentino ang posibilidad na pagsusulong niya na rumenta ng nga barkong pandigma para bantayan ang mga isla ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Tolentino na mas malaki ang matitipid ng bansa sa oras na umarkila ito ng mga kinakailangan barkong pandigma. Paliwanag pa… Continue reading Rent system ng mga barkong pandigma, isinuhestyon ng isang mambabatas

Christmas bonus, libreng legal aid para sa mga barangay tanod, ipinapanukala

Isinusulong ngayon ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Yamsuan ang panukalang batas na magbibigay ng Christmas bonus at iba pang insentibo para sa mga barangay tanod. Sa kaniyang House Bill 10909, itinutulak ni Yamsuan na mabigyan ng naturang mga benepisyo kasama ang legal assistance at insurance coverage ng mga tanod bilang pagkilala sa kanilang natatanging… Continue reading Christmas bonus, libreng legal aid para sa mga barangay tanod, ipinapanukala

Suplay na food packs para sa mga pamilyang apektado ng bagyong Ferdie at Gener, sapat na – DSWD

Nakakatiyak ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat na ang relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Ferdie at Gener.  Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit sa P28.9 million humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensya sa mga naapektuhan ng masamang panahon. May kabuuang P94,476.00  tulong pinansyal  ang naibigay… Continue reading Suplay na food packs para sa mga pamilyang apektado ng bagyong Ferdie at Gener, sapat na – DSWD

Mas mababang airfare sa Oktubre, asahan dahil sa pagbaba ng fuel surcharge – Civil Aeronautics Board

Magandang balita para sa mga nagpaplanong bumiyahe sa darating na Oktubre! Inaasahan ang mas murang pamasahe sa eroplano dahil sa pagbaba ng fuel surcharge. Sa inilabas na advisory ng Civil Aeronautics Board (CAB), bababa ang fuel surcharge sa Level 4 simula sa Oktubre mula sa Level 5 ngayong Setyembre. Sa ilalim ng Level 4, ang… Continue reading Mas mababang airfare sa Oktubre, asahan dahil sa pagbaba ng fuel surcharge – Civil Aeronautics Board

SP Chiz Escudero, nakipagpulong sa DOTr kaugnay ng public transport modernization program

Photo courtesy of Senate President Chiz Escudero Facebook page

Nakipagpulong si Senate President Chiz Escudero kay Transportation Secretary Jaime Bautista at iba pang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, para talakayin ang pagpapatupad ng public transport modernization program. Ang pagpupulong na ito ay kasunod ng una nang pakikipagdiyalogo ni Escudero sa mga transport group na nakasunod na at hindi pa sa naturang programa.… Continue reading SP Chiz Escudero, nakipagpulong sa DOTr kaugnay ng public transport modernization program

Halos 2,000 indibidwal na apektado ng pagbaha sa Negros Occidental at Palawan, nabigyan ng tulong ng PRC

Namahagi ang Philippine Red Cross (PRC) ng mainit na pagkain sa halos 2,000 indibidwal na naapektuhan ng malalakas na pag-ulan at pagbaha sa Negros Occidental at Palawan. Ito ay dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Gener at bagyong Helen. Sa pinakahuling tala ng PRC Operations Center, may 71 binuksan na evacuation center na nagsisilbing… Continue reading Halos 2,000 indibidwal na apektado ng pagbaha sa Negros Occidental at Palawan, nabigyan ng tulong ng PRC

DILG, nagpasalamat sa Kongreso dahil sa pag apruba sa P281.3-B budget ng DILG para sa 2025

Nagpaabot ng pasasalamat si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ay matapos aprubahan ang P281.3 bilyong budget ng DILG para sa 2025 na mas mataas ng anim na porsiyento sa inaprubahang halaga ngayong 2024. Tiniyak ng kalihim sa mga mambabatas, na… Continue reading DILG, nagpasalamat sa Kongreso dahil sa pag apruba sa P281.3-B budget ng DILG para sa 2025